Kapamilya Actress na si Kim Chiu, Ipinasilip ang Kanyang Napakagandang Condo na Nagsisilbi Niyang “Secret Hideout”

Ang Kapamilya actress na si Kim Chiu ay hindi nagdalawang isip na buksan ang pinto ng kanyang condo para masilip ng kanyang mga tagahanga. Isang virtual tour sa loob ng kanyang condo ang hatid ng Chinita Princess sa kanyang mga tagahanga nito lamang ika-12 ng Setyembre sa vlog na mapapanood sa kanyang YouTube Channel. Ang napakaganda at bagong renovate na condo ay itinuturing na “secret hideout” ni Kim, ngunit ngayon nga ay isinapubliko na niya ito.

Credits: Kim Chui | YT

Proud na ibinahagi ni Kim sa kanyang mga viewers na mula sa kanyang savings ay nakapagpundar siya ng isang condo noong 2015. At ang nasabing condo nga, ay naisip na siyang iparenovate at gawing isang “secret hideout”.

Bagama’t, maliit ang nasabing condo na ito ni Kim, ay ito naman ang isa sa pinakapaborito niyang puntahang lugar dahil nakakagawa niya ritong makapagpahinga at mag-relax anumang oras niya gustuhin. Dito rin ay nagagawang manirahan ni Kim ng siya lang mag-isa at ito nga ang kanyang takbuhang lugar kapag nais niyang mag-isa.

Credits: Kim Chui | YT

Sa pagpasok sa loob ng condo ay sasalubong ang maganda at malinis na kapaligiran na may temang white ang pink na kung saan nga ay napaka-kikay ng dating. Nakakagaan naman talaga sa mata ang bright colors, at kapansin-pansin na mahilig si Kim sa kulay pink. Halos lahat nga ng paborito niyang gamitin, at mga bagay na makikita sa loob ng condo ay kulay pink. Mula sa mga dekorasyon, ilang appliances hanggang sa mga plato, baso, unan at bulaklak ay pawang mga kulay pink.

Makikita naman ang ilang fake plants at dried flowers sa loob ng condo ni Kim na nagsisilbing dekorasyon. Ayon naman sa aktres, ay mas pinili niyang maglagay ng mga fakes plants dahil hindi ito kailangang alagaan gaya ng mga tunay na halaman. Makikita naman nakadagdag sa ganda ng kanyang condo ang mga napiling dekorasyon ni Kim.

Credits: Kim Chui | YT

Pagdating naman sa munting kusina ni Kim ay masisilayan ang kompletong kasangkapan at mga appliances gaya ng rice cooker, bread toaster, at coffee maker. Samantala, kahit nga maliit lamang ang espasyo ng condo ni Kim ay nagawa naman niyang pagkasyahin ang mga bagay na kanyang kailangan rito upang maging komportable siya sa kanyang pamamalagi rito.

Dahil nga maliit ang condo, ay nagpasya ang aktres na isang sofa bed ang ilagay sa loob ng kanyang condo para magsilbi niyang pahingaan at higaan. At dito nga ay komportable at makakatulog siya ng mahimbing sa tuwing bibisita siya sa kanyang condo.

Sa kabuuan nga ay sadyang napakaganda ng condo ni Kim na bagama’t simple at may kaliitan, ay narito naman na ang lahat ng kanyang kailangan para siya’y makapagpahinga ng maayos.

YouTube video player

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *