Julia Montes, Masaya sa Achievement na Nakamtan sa Kanyang Pagiging College Student

Maliban sa pangarap na makapagtapos ng pag-aaral at magkaroon ng magandang kinabukasan sa hinaharap, ay isa pang motibasyon ng mga estudyante sa kanilang pag-aaral ay ang “honors” o parangal na kanilang makukuha. Kaya naman talagang marami sa mga estudyante ang ginagawa ang lahat ng kanilang makakaya upang makakuha ng magandang grado sa bawat asignatura nila sa paaralan.

Credits: Julia Montes | IG

Samantala, isa naman sa mga iniidolong aktres sa industriya ng showbiz ang kamakailan lamang ay nagbalik sa kanyang pag-aaral, at ito nga ay ang aktres na si Julia Montes o sa tunay na buhay ay si Mara Schnittka. Ipinagpatuloy ni Julia ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo, kung saan siya ay kumuha ng kursong Business Administration sa Southville.

Credits: Julia Montes | IG

At sa pagbabalik eskwela ni Julia at talaga namang kanyang pinag-igihan ang kanyang pag-aaral, kaya naman masayang-masaya siya ng ang kanyang naging pagpupursige ay magbunga ng maparangalan siya bilang isa sa mga Dean’s Lister.

Sa kanyang Instagram post ay pinasalamatan ni Julia ang lahat ng mga taong sumoporta sa kanya sa journey ng pagbabalik niya sa eskwela, sa kabila ng pagsasabay nito sa kanyang trabaho. Pinasalamatan din niya ang kanyang paaralan na Southville. Malaki rin ang pasasalamat ng aktres sa Panginoon Diyos dahil sa pag-gabay nito sa kanya sa lahat ng nagiging desisyon niya sa kanyang buhay, isa na nga ang kanyang pagbabalik sa pag-aaral.

Credits: Julia Montes | IG

“Thank you @southville_is[red heart emoji] Gusto ko lang po magpasalamat kay GOD sa lahat ng blessing na binibigay nya sa akin na nakakapagaral po ako habang nagtatrabaho.

“…thank you sa family ko, sa mga professor ko at sa lahat ng mga taong nagmamahal sa akin dahil kayo po ang inspirasyon ko para matupad lahat ng dreams ko, Thank you God”, ang naging saad ni Julia.

Credits: Julia Montes | IG

Todo naman ang naging suporta ng mga netizens at mga tagahanga niya sa kanya. Narito nga ang ilan sa mga naging “congratulatory” message ng ilang mga netizens para sa aktres.

“A big Congratulations, Ms Mara.. and hope more success and blessings to come.. keep safe always”

“Congrats Mara, your beautiful inside and out and your blessed of everything , more Happiness and God loves you.”

“Wow congratulations miss Julia Montes, another aspiring achievement from you… good job po”

“Ang galing naman talaga bebe juls.. nakakaproud”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *