Ivana Alawi, Ibinahagi na Isa sa mga Itinuturing Niyang Pinaka-Awkward Moment ay Nang ang EX-Boyfriend Niya ay Magpa-Video Greetings sa Kanya

Marahil lahat nga naman tayo ay may maituturing na pinaka-awkward moments sa ating buhay. At maging ang sikat na actress-vlogger na si Ivana Alawi ay may pinagdaanan rin na ganitong karanasan na talaga namang naramdaman niya ang maging awkward.

Credits: Ivana Alawi | IG

Nito lamang nakaraan sa panibagong vlog na ibinahagi ni Ivana sa kanyang YouTube channel kung saan ito ay kasama niya ang kanyang kapatid na si Hash na mag Mukbang, ay kanila ngang napag-usapan ang patungkol sa akward moments.

Maliban pa nga rito, ay ibinahagi rin ng actress-vlogger sa bagong vlog niya na ito ang recipe para sa sauce ng kanilang kinakain na king crab.
Habang pinagsasaluhan at enjoy na kinakain ng magkapatid na Ivana at Hashim ang kanilang Mukbang challenge, ay abala rin sila sa pagsagot ng ilan sa mga katanungan ng mga sumusubaybay sa kanila.

“Have you ever been in awkward situation with uhh…. Your ex or sm..?, ang isa nga sa mga katanungan sa kanila.

Dito na nga naibahagi ni Ivana ang hindi niya malilimutang awkward moment niya, kung saan ito nga ay patungkol sa kanyang ex-boyfriend na nagpa-video greetings umano sa kanya.

Credits: Ivana Alawi | IG

Ayon sa kanya, wala naman sanang problema ang magpa-video greetings, at hindi naman siya nagpapabayad sa mga ganung request. Ngunit pagdating nga umano sa kanyang ex, ay tila nga naman nakakailang gawin ang batiin ito.

“Ako oo.. ako nagpapa-video greet yung ex kong isa… walang problema sa akin mag-video greet, ayaw ko din nagpapabayad sa video greet. Gusto ko free kasi ‘diba video greet lang yun…”, unang pahayag ni Ivana.

Ngunit paliwanag nga ng aktres, nang ang ex-boyfriend na niya ang mag-request ng video greetings ay talagang naging akward ito para sa kanya.

“Pero sa ex ko medyo naiilang ako… Sabe, ‘Hi Ivana, pa-video greet naman ako”… Ha? Teka lang, ‘diba sinaktan mo ako dati…. Pero sinendan ko pa rin siya… eh nagpa-video greet eh, yun…”, ani pa ni Ivana.

Credits: Ivana Alawi | IG

Si Ivana Alawi ay kilala bilang isang actress-vlogger na madalas na nagbabahagi ng mga video vlog sa kanyang YouTube channel na puno ng kaaliwan at inspirasyon. Kilala rin siya bilang isa sa mga vlogger na may mabuting kalooban na bukal na tumutulong sa kanyang kapwa sa abot ng kanyang makakaya.

At sa madalas ngang pagbabahagi ni Ivana ng mga video vlogs niya, ay mas nakilala nga ng publiko ang kanyang tunay na personalidad. Hindi rin maitatanggi ang kanyang pagiging isang prangka, lalo na’t straight to the point siya lagi sumagot sa mga katanungan sa kanya kahit pa nga ito ay patungkol sa kanyang personal na buhay.

Credits: Ivana Alawi | IG

Matatandaan nga na sa mga naunang vlog ni Ivana ay may mga katanungan sa kanya patungkol sa kanyang lovelife at ito naman ay binigyan niyang kasagutan lahat. Inamin nga niya na ilang beses niyang naranasan ang masawi dahil sa pag-ibig at naranasan din niya ang magpakalasing para lang makalimot sa sakit na dulot ng pag-ibig.
Ayon pa sa kanya, ilang beses din siyang naloko ng mga nakarelasyon niya, at naranasan din niya ang gastusan ang iba sa kanyang naging boyfriend noon.

YouTube video player

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *