Ivana Alawi, Buking sa Pagkakaroon ng Crush kay Joshua Garcia Matapos ang Ginawa ng Kapatid Niyang si Mona

Talaga namang isa na si Ivana Alawi ngayon sa pinaka-matagumpay na vlogger sa ating bansa. At nito nga lamang nakaraan, ay ipinagdiwang na ng actress-vlogger ang kanyang ika-dalawang taon bilang isang vlogger.

Credits: Ivana Alawi | YT

Samantala, para naman sa pagdiriwang ng ikalawang taong anibersayo ni Ivana sa kanyang pagiging isang vlogger, ay isang ‘surprise prank’ ang inihanda para sa kanya ng kanyang pamilya, sa pangunguna nga ng kanyang kapatid na sina Hashim at Mona.

Mapapanood sa unang bahagi ng video ang naging paglalahad ni Mona kung paano ang naging paghahanda nila para matagumpay na maisagawa ang kanilang ‘surprise prank’ para sa ate niyang si Ivana. Ayon kay Mona nag-prepara sila ng mga balloons at bulaklak para sa nasabing pagdiriwang. Inihanda rin nila para sa nasabing selebrasyon ang mga paboritong pagkain ng kanyang nakatatandang kapatid.

Samantala, maliban pa nga sa mga ito ay may pa-video greeting pa silang ginawa para kay Ivana, kung saan ay ilan sa mga nagbigay ng pagbati ay ang mga malalapit na kaibigan ng actress-vlogger, mga tagahanga nito at maging ilan sa mga kilalang celebrity na hinahangaan nito at mga kapwa nito vlogger.

Ilan nga sa mga sikat na vlogger na nagbigay ng mensaheng “Happy 2 nd year anniversary” kay Ivana ay sina, Mimiyuh at Donalyn Bartome. Sina Moira, Liza Soberano, Dr. Vicki Belo at Bela Padilla naman ang ilan sa mga celebrity na nagpahatid ng pagbati para kay Ivana.

Credits: Ivana Alawi | YT

Sa dami naman ng bumati kay Ivana, ay hindi niya inasahan ang biglang paglabas sa screen ng Kapamilya actor na si Joshua Garcia, na isa rin nga sa mga nagbigay mensahe ng pagbati sa kanya. masayang binati ni Joshua si Ivana sa tagumpay ng karera nito bilang isang vlogger, at ipinaabot rin ng aktor ang kanyng pasasalamat kay Ivana sa malaking ambag nito sa YouTube community.

Hindi naman napigilan ni Ivana ang kiligin at mapatili habang pinapanood niya ang video greetings sa kanya ni Joshua. Kitang-kita rin kay Ivana ang labis na pagtataka niya, kung paano nakapag-video greetings sa kanya ang Kapamilya actor na talaga namang hinahangaan niya.

Credits: Ivana Alawi | YT

“Bakit andiyan si Joshua?” saad nito. Na agad naman siyang tinukso ng bunsong kapatid na si Mona.

Dito na nga sumingit si Mona sa video, at ibinuking nito na ‘biggest crush’ ng kanyang ate Ivana ang Kapamilya actor na si Joshua Garcia, kaya naman lakas loob din niyang kinontak ito para maging isang malaking sorpresa para sa kanyang ate.

Credits: Joshua Garcia | IG

Makikita naman sa video, na nang matapos na ang mga video greetings ay agad na kinompronta ni Ivana ang kapatid na si Mona, at kung ano ang sinabi nito kay Joshua para mag-video greetings sa kanya ang aktor.

Hi Kuya Joshua, pwede po bang manghingi ng video greeting kasi crush ka ng ate ko”, saad naman ni Mona kay Ivana, kung paano niya kinontak si Joshua.
Sa pagsasabing ito ni Mona, ay tila nga nahiya si Ivana sa ginawa ng kanyang kapatid, at humingi pa nga ng pasensya kay Joshua ang actress-vlogger.

YouTube video player

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *