Isa sa mga naapektuhan ng pandemya dahil sa ipinagbabawal na mass gathering ay ang pagsasara ng mga sabungan. Kung pamilyar ka sa sabong, ito ay ang paglalaban ng mga alagang manok panabong sa tinatawag nilang cockpit arena. At bago magsimula ang patagisan ng mga manok ay pupusta naman sa “Meron o Wala” ang mga taong nanonood ng laban. Maituturing naman itong sugal, dahil sa kabila ng panalo, ay mayroon rin namang natatalo.
Credits: Gretchen Barretto | IG
Bagama’t nahinto ang operasyon ng mga sabungan dahil sa pandemya, ay hindi naman dito natatapos ang kaligayahan ng mga sabungero dahil nauso naman ang online sabong. Dahilan nga, para malibang at makatalpak parin kahit nasa bahay lang.
Isa nga masasabing sabungera at malaki ang pagkahilig sa mga manok panabong ay ang aktres na si Gretchen Barretto. Kaya naman, mas lalong nahasa ang kakayahan niya sa paghawak at pag-aalaga ng manok panabong. Minsan nang naispatan si La Greta sa isang sabungan na nagbitaw ng manok para sa isang derby event. Lingid sa kaalaman ng marami ay isa sa mga miyembro ng Team Alpha ng Pitmaster Group si La Greta dahilan kung bakit madalas siyang makita sa mga sabungan.
Credits: Gretchen Barretto | IG
Hindi naman maikakaila na talagang isang certified sabungera si La Greta. At kamakailan lamang, ay proud na ibinahagi ni La Greta sa kanyang Instagram account ang isang maikling video kung saan ay makikita ang paghuli niya sa isang manok panabong. Makikita sa video na nasa lugar siya ng isang malawak na lupain ng mga manok panabong.
At sa video nga ay makikitang walang kahirap-hirap na hinuli ni Gretchen ang manok habang kumakanta pa. Matapos nga habulin ng ilang sandali ay agad niyang nahawakan ang buntot ng manok at tuluyang nahuli. Hindi maikakaila na sanay na sanay na sa paghuli at paghawak ng manok ni Gretchen.
Credits: Gretchen Barretto | IG
Ayon naman sa caption ng kanyang post, ay bahagi ito ng preparation para sa nalalapit nilang pagbibitaw ng manok sa cockpit arena.
“Today is a talpakan day… ‘Eto ‘yung preparation na gagawin namin… Bibitaw ulit kami… Good luck! Kagabi hindi ako masyadong sinuwerte, masakit ang aking dibdib.”
Noong July 30, ay nagviral ang larawan ni Gretchen sa social media kasama ang kaibigan nitong si Atong Ang, kung saan ay nakitang may hawak na manok sa loob ng isang sabungn. Tulad ni Gretchen, ay miyembro rin ng Team Alpha Pitmaster Group si Atong Ang.
Si Gretchen ay mula sa angkan ng mga kilala at hinahangaang Barretto sa industriya ng showbiz.