Dating PBB Big Winner Na Ngayon ay Nasa Japan at Nagtatrabaho Bilang Isang Sales Lady

Kamakailan lang ay mayroong lumabas na ‘blind item’ patungkol sa isang kilalang personal sa showbiz na di umano’y ngayon ay nagtatrabaho na bilang isang ‘saleslady’. At tila ngayon nga ay nakumpirma na ng mga netizens kung sino ang tinutukoy dito, at ito nga ay si dating PBB Big Winner na si Miho Nishida.

Credits: Miho Nishida | IG

Si Miho Nishida ay nakilala sa showbiz ng maging kalahok siya ng Pibog Big Brother 737 taong 2015 kung saan sa pagtatapos nga nito ay itinanghal siyang ‘big winner’ ng programa. Matapos ang kanyang pagiging big winner ay nagbukas ang oportunidad sa kanya sa mundo ng showbiz.

Ngunit tila nga isa si Miho ay isa sa mga aktres sa mundo ng showbiz na naapektuhan ang karera ng magkaroon ng pandemyna nagdulot ng paglockdown, dahil sa wala masyadong proyekto para sa kanya.
At dahil nga sa pangyayaring umano na ito, ay nagdesisyon si Miho na lumipad patungong ibang bansa upang maghanap ng trabaho na masusuportahan ang kanyang ina at anak.

Credits: Miho Nishida | IG

Para makahanap nga magandang trabaho, ay nagbalik sa bansang Japan si Miho at doon nga ito ngayon ay nagtatrabaho bilang isang saleslady.

Ayon sa ilang mga ulat, nung magkaroon ng lockdown at walang masyadong proyekto si Miho ay naisipan nito na pasukin ang online business, kung saan ay nagbebenta siya ng ga beauty products online. Ngunit tila nga hindi sapat para sa kanila ang kanyang kinikita para sa kanilang pamumuhay, idagdag pa ang binabayaran niyang condominium kung saan sila nakatira ng kanyang anak at ina. Ito nga nagtulak kay Miho para magbalik sa Japan, ang bansa na kilala sa “The Land of the Rising Sun”, upang doon nga ay magtrabaho at kumita ng sasapat sa pangangailangan nila.

Credits: Miho Nishida | IG

Hindi naman naging mahirap para kay Miho ang mag-adjust sa buhay sa Japan, dahil sa siya ay isang Japanese-Filipina, kaya naman naging madali rin para sa kanya ang mamuhay at kanyang pananatili sa nasabing bansa.

Ayon naman sa manager ni Miho, ay babalik pa ito sa artista, sa ngayon ay kinailangan lang muna talaga nito ang magtrabaho sa malayo para masuportahan ang pangangailangan ng kanyang anak at ina, habang wala pa nga siyang proyekto na pinagkakaabalahan.

Credits: Miho Nishida | IG

“Babalik din naman siya. May inaayos lang kaming project at kapag sure na, babalikan niya ang pag-aartista. Pero nakakabilib nga si Miho dahil imbes na tumunganga sa condominium unit nila, talagang nagdesisyon siyang mag-saleslady muna sa Japan. Ganyan naman si Miho, hindi namimili ng trabaho para may ikabuhay sila ng kanilang anak at nanay,”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *