Claudine Barretto, Lakas-loob na Nilinaw sa Publiko ang Isyu Tungkol sa Pagkakaroon Niya ng Utang Kay Jinkee Pacquiao

Dahil nga sa hindi mamatay-matay na isyu tungkol sa pagkakautang diumano ng dating aktres na si Claudine Barretto kay Jinkee Pacquiao, ay hindi na ito nakatiis pa at tuluyan nang nagsalita upang linawin sa publiko ang usaping ito.

Credits: Claudine Barretto | IG

Sa pamamagitan ng isang Facebook live, ay naglakas-loob na si Claudine na linawin ang isyu tungkol sa pagkakautang niya sa kanyang kaibigan at ninang ng kanyang anak na si Santino na si Jinkee Pacquiao. Ayon sa kumakalat na balita, ay nagkautang umano si Claudine kay Jinkee matapos nitong mag-invest sa isang business ngunit hindi raw ito naging matagumpay. At ang nasabing pera na pinuhunan ni Claudine ay inutang raw kay Jinkee.

Ayon kay Claudine, ang dahilan ng kanyang pagsasalita ay dahil nadadamay na raw ang pangalan ni Jinkee sa isyu.

Credits: Claudine Barretto | IG

“Alam niyo ho, sa una kasi hindi mo naman papansinin pag ganyan di ba? Kaya lang, minsan pag hindi na mamatay-matay yung tsismis, nakaka-bother na rin. Unang-una kasi, nakakahiya kasi nada-drag yung pangalan ni Jinkee.”

Binigyang diin pa ng dating aktres na wala siyang pagkakautang kahit kanino, lalo na sa kanyang kaibigan at kumare na si Jinkee.

“Kaklaruhin ko ngayon pa lang na wala akong kahit na anong utang kahit na kanino, kahit kay Ms. Jinkee Pacquiao.”

Pagbabahagi pa ni Claudine bago siya magpasyang magsalita para linawin ang isyu sa FB live, ay hiningi muna niya ang permiso ni Jinkee.

“Hindi ako mayaman pero hindi rin ako waldas sa pera,”dagdag na pahayag ni Claudine na nais iparating na marunong siyang humawak ng pera.

Credits: Claudine Barretto | IG

Hindi naman nagdalawang isip si Claudine na sabihin sa publiko na may ideya siya kung sino ang nagpapakalat ng usaping may pagkakautang siya kay Jinkee. Sa nasabing FB live ay pinasalamatan rin ni Claudine ang kanyang kapatid na si Gretchen Barretto na present sa FB live para magpakita ng suporta.

Paglilinaw pa ni Claudine ay hindi siya baon sa utang na pera kundi baon siya sa utang na loob sa mag-asawang Jinkee at Manny kung saan nga ay hindi pinapabayaan ang kanyang anak na si Santino na ginagampanang mabuti ang tungkulin bilang mga pangalawang magulang sa kanyang anak.

Credits: Jinkee Pacquiao | IG

Tila may pasaring naman si Gretchen sa taong nagpapakalat ng chismis kung saan nga ay naging sunod-sunod ang tanong nito sa kanyang kapatid na si Claudine at sinabing:

“Sinong nagkakalat niyan, babe? Hindi kaya ate mo? Bakit ka ba inaapi, ha? Tinawagan ka pa niya kagabi, di ba? What time was that? Nasa cellphone mo, 2 something ng umaga tapos yung boses ng ex-mayor nandon din di ba?”

Dahil nga dito ay mas lalong naintriga ang mga netizens, kaya naman isang netizen ang nagtanong kung sino ang tinutukoy ni Greta. At tila naman, may dapat talagang isiwalat sa publiko si Greta na isyu na dapat pag-usapan at idaan sa legal na paraan. Ngunit, sa ngayon nga, ay nais muna nilang ilagay sa ayos ang lahat para makaiwas sa away. Nangako naman si Greta na darating rin ang araw na ibubunyag niya ito sa publiko.

“One of these days po sasagutin namin ang lahat ng mga nangyayari because a lot of people are also curious kung bakit kami live nang live.”

“Meron kaming mga gustong sabihin na nagpipigil pa kami. Ayaw namin ng away, we just want peace. There are things that we want to clear because kailangan. There are also some things that kailangan idaan din sa lawyer.”

“Now, we’d rather not talk about it yet, para fair yung trial na yon. I feel like Claudine wants to clear her name and get justice.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *