Buhay Haciendera na Ngayon ang Aktres na si Andrea Del Rosario, Ipinasilip ang Malawak na Lupain ng Kanyang Nobyo sa Probinsya ng Batangas

Nito lamang nakaraan ay naging guest ng programang “Sarap Di Ba?” ang aktres na si Andrea Del Rosario. At sa pagkakataon ngang ito ay masayang ipinasyal ng aktres ang mga tagasubaybay ng nasabing programa sa malawak na lupain ng kanyang nobyo ngayon na si Anthony.

Credits: Andrea Torres | YT

Lingid sa kaalaman ng marami, na ang nobyo ngayon ni Andrea ay isang professional polo player, at ito nga ay nagmamay-ari ng malawak na lupain sa probinsya ng Calatagan, Batangas na nasa 6-hektarya nga ang lawak.

Ayon sa aktres, tunay na malawak ang lupain ng kanyang nobyong si Anthony. At ang naturang farm nga ay kaya ngang mag-accommodate ng maraming bisita dahil ang main house nito ay mayroong 7-bedrooms na maaring ipagamit sa mga bisita na nais mag-stay doon.

Naikuwento rin ni Andrea, na siya ay nakiki-hacienda na rin sa farm ng kanyang nobyo. Dahil ang perang kanyang kinikita ay ini-invest na rin niya dito. Ayon sa aktres, ilan sa mga makikitang hayop sa farm ng nobyo niya tulad ng baka, kambing at manok ay kanyang investment.

Credits: Andrea Torres | YT

“Nakiki-hacienda na rin ako. I own a few animals”, ani Andrea.

Ipinakita nga niya ang mga binili niyang Boer Goat Coats sa bansang Amerika. Saad pa ng aktres, kung ang ilan nga sa mga artista ay bumibili ng mga mamahaling bags at sapatos, siya naman ay ibinibili ng mga livestocks o animals ang perang kanyang kinikita.

“Kung yung ibang artista bumibili sila ng bags or shoes, ako po yan (baka) po ang aking binili. So, everytime may kinikita ako, napupunta sa livestocks or animals”, chika pa ng aktres.

Credits: Andrea Torres | YT

Naibahagi rin ni Andrea na sa kanilang farm na ito ng kanyang nobyo, ay may alaga silang 300 pirasong mga manok.

Samantala, nagbigay pasilip din naman si Andrea sa lugar kung saan nag-o-online class ang kanyang mga anak. At ito nga ay sa ruweda ng kanilang farm, dahil sa naturang lugar lang umano nakakahagap ng malakas na signal ang kanyang mga anak para sa online class ng mga ito.

Sa ngayon nga ay ine-enjoy ni Andrea ang farm life sa malawak na lupain ng kanyang nobyo, at kasama nga niya roon ang kanyang mga anak.

YouTube video player

Lingid naman sa kaalaman ng marami, ay hands-on si Andrea sa pangangalaga ng farm, sa katunayan pa nga ay tumutulong siya sa mga ibang gawain sa farm, kagaya na lamang ng pagpapastol ng mga alaga nilang baka.
Maliban pa nga sa farm ng kanyang nobyo, ay nagbigay rin ng munting pasilip si Andrea sa beach house na pagmamay-ari niya sa Batangas.

Credits: Andrea Torres | YT

Matatandaan na si Andrea ay isa sa mga naging miyembro noon ng sikat na grupong Viva Hot Babes. Una siyang sumabak sa pag-arte noong taong 2006, ng mapabilang siya sa teleseryeng “Gulong ng Palad.” Pinasok naman niya ang mundo ng politika noong taong 2016, kung saan ay nanalo nga siya bilang Vice Mayor ng Calatagan, Batangas.

YouTube video player

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *