Buboy Villar, Sa Kabila ng Pagiging Isang Batang Ama ay Ginagawa ang Lahat Para Maibigay ang Pangangailangan ng Dalawa Niyang Anak

Madalas nating naririnig sa ating mga magulang na saka lang natin maiitindihan ang ng kanilang ginagawa kapag naranasan na mismo natin ang maging magulang at ito nga ang natuklasan ng aktor na si Buboy Villar.

Credits: Buboy Villar | IG

Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami sa atin na ang batang aktor ngayon ay may dala-dala ng responsibilidad sa kanyang buhay, dahil sa murang edad niya na 17-taong gulang ay naging isa na nga siyang ama.

Aminado si Buboy na ang pagiging isa niyang batang ama ay hindi rin niya inasahan, dahil sa ito ay biglaan lang din na nangyari sa kanyang buhay, ng kanya ngang makilala ang kanyang naging long-time partner na si Angiellyn Gorens.

Credits: Buboy Villar | IG

Si Angiellyn ay ang long-time partner ni Buboy at ito rin ang ina ng kanyang dalawang anak na sina Vlanz Karollyn at George Michael. Ngunit kailan nga lamang ay inamin ng batang aktor na hiwalay na sila ng ina ng kanyang mga anak, magkaganon man ay nanatili pa rin ang maayos nilang samahan bilang magkaibigan para na rin sa kanilang mga anak.

Credits: Buboy Villar | IG

Ayon sa mga ulat, sa kasalukuyan ay nasa America si Angiellyn at si Buboy naman ay abala sa kanyang taping at negosyo, kaya naman ang dalawa nilang anak ay nakatira sa mga magulang ni Angiellyn at doon nga bumibisita si Buboy.

Credits: Buboy Villar | IG

Pagbabahagi ni Buboy magmula ng siya ay maging isang Ama ay mas marami siyang nadiskubri sa kanyang buhay, at saad pa niya marahil hindi niya alam kung saan siya pupulutin kung hindi siya naging isang ama sa maagang edad dahil ang kanyang mga anak ang mas nagbigay sa kanya ng inspirasyon at motibasyon na mas lalong pagbutihin ang kanyang buhay.

Sinisigurado naman ni Buboy na nasusuportahan at natutugunan niya ang pangangailangan ng kanyang dalawang anak, dahil ayon sa kanya ayaw niyang maranasan ang naging karanasan niya noon kung saan ay lumaki siya na hindi malapit sa kanyang ama.

Maliban sa pag-aartista ay isa na ring vlogger ngayon si Buboy, at mayroon na rin siyang sariling negosyo at ito nga ay ang kanyang paresan na tinawag niyang “Paresan ni Bok”.

Credits: Buboy Villar | IG

Para naman kay Buboy ay malaki ang naitutulong sa kanya ng negosyo niya, lalo na ngayong may pandemya dahil dito siya kumukuha ng pandagdag suporta sa mga pangangailangan ng kanyang mga anak.

Patuloy namang magsusumikap sa buhay si Buboy para mas mabigyan pa ng magandang buhaya ng dalawa niyang anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *