Asia’s Songbird Regine Velasquez, Binalikan ang mga Panahon na Marami ang Nagsasabi sa Kanya na Hindi Siya Kagandahan

Nakilala at hinahangaan bilang isang tanyag na mang-aawit ang singer-actress na si Regine Velasquez sa industriya ng showbiz. Ngunit sa tinatamasang kasikatan at magandang karera niya ngayon, ay inamin ng 51-taong gulang na mang-aawit na noon ay inakala niya na magiging Malabo para sa kanya ang sumikat.

Credits: Regine Velasquez | IG

Sa panayam kay Regine ni Bianca Gonzales noong ika-23 ng Agosto via Zoom, ay ikinuwento ng tanyag na mang-aawit na lumaki siyang sinasabihan ng mga tao na ‘pangit’ o ‘hindi kagandahan’. Kasabay pa nito ay ang sinasabi sa kanya na wala siyang pag-asang sumikat dahil sa maputi lang umano siya, at hindi siya maganda katulad ng mga sikat na mang-aawit.

Pagbabahagi naman ng tinaguriang Asia’s songbird, ay tanggap niya kung ano man ang nagiging pamumuna sa kanyang hitsura ng mga tao, ngunit batid niya naman sa sarili niya na sa kabila ng hindi siya kagandahan ay pang malakasan naman ang talentong mayroon siya at ito nga ay ang husay niya sa pagkanta.

Credits: Regine Velasquez | IG

Samantala, teenager lamang si Regine ng una siyang sumabak sa patimpalak sa pagkanta, kung saan noong ngang taong 1984 ay nanalo siya Ang Bagong Kampeon ng RPN-9.
Chicka pa ng mang-aawit, noon umano ay walang kabilib bilib ang mga kritiko sa kanyang istilo ng pag-awit, ngunit sa kabila nito ay hindi naman umano siya nagpa-apekto dahil para sa kanya ay motibasyon niya na alam niya sa kanyang sarili na mahusay siya at may maganda siyang boses.

“I accepted that that’s a fact kasi sila yung tumitingin, e.

“So, I thought it was a fact… that I’m not pretty, that I was ugly.

“But in my head, iba yung sinasabi ng ulo ko. Parang sinasabi ng ulo ko, ‘Wait ‘til you hear me sing.’

“I always have that confidence with my voice.

“Okay lang if you think I’m ugly. You don’t have to look at me. But wait ‘til you hear me sing.

“It was always like that.”

Credits: Google | Image

Naibahagi din ni Asia’s songbird sa panayam na ito sa kanya, na noong nararanasan niya ang mga pangpupuna ng mga tao sa kanyang hitsura ay ang kanyang yumao ng ama na si Gerardo ‘Gerry’ Valasquez ang madalas magtanggol sa kanya.

“Kasi my father would always have this way of making me feel confident about myself.

“Lalo na pag madidinig niya sa harap ko na sasabihan akong pangit.

“Sabihan niya yung tao, ‘Kung pangit ang anak ko, ano ka pa?’ That’s why I never got insecure about my appearance.

“Naging challenge… ‘Hindi ka sisikat kasi pangit ka.’ ‘Talaga ba? Let’s see. Gagalingan ko pa.’”

Credits: Google | Image

Ibinahagi rin ni Regine na ng siya ay unti-unti ng sumikat ay pinag-aralan na niya ang iba pang mga bagay na mas makakatulong sa pag-usbong ng kanyang karera, kabilang na nga rito ay ang mas magmukha pa siyang presentable sa harap ng kamera.

Saad pa niya, noon ay siya mismo ang gumagawa ng sarili niyang makeup, at hindi siya nagpapaayos sa makeup artist.

Si Regine Velasquez ay nasa tatlumpu’t limang taon na sa industriya ng showbiz, at ang kanyang talento at husay sa pag-awit ay talaga namang hinahangaan ng marami kaya naman siya ay isa sa mga kinikilalang pinakasikat at mahusay na female singer sa Pilipinas.

Credits: Google | Image

Maliban pa sa pagiging isang mang-aawit ay pinasok rin ni Regine ang pag-arte pati na rin ang pagiging host, kaya naman hindi lang ang kanyang husay sa pagiging mang-aawit ang hahangaan sa kanya.

Sa ngayon ay parte ng Kapamilya network si Regine kasama ang asawa niyang si Ogie Alcasid, ito ay matapos ang halos dalawang dekada rin niyang pagiging parte ng Kapuso network.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *