Aktor na si Carlo Aquino at Napakacute na Anak Nitong Si Enola Mithi, Magkasabay na Ipinadiwang Ang Kanilang Kaarawan

Napakaespesyal naman talaga ang buwan ng Setyembre para sa pamilya ng aktor na si Carlo Aquino at partner nitong si Trina Candaza. Ito nga ay dahil dalawang biyaya ng buhay ang dapat nilang ipagpasalamat.

Credits: Carlo Aquino |IG

Parehong buwan ng Setyembre ang kaarawan ni Carlo at ng kanilang anak ni Trina na si Enola Mithi. Kaya naman, magkasabay na ipinagdiwang ng mag-ama ang kanilang espesyal na araw ng kapanganakan. Noong ika-3 ng Setyembre ang kaarawan ni Carlo kung saan nga ay ipinagdiwang niya ang kanyang ika-36 taong kaarawan. Samantalang ang kanilang anak naman ni Trina na ipinanganak noong ika-13 ng Setyembre 2020, ay ipinagdiwang naman ang kanyang 1st birthday.

At kamakailan nga, ay magkasabay na ipinagdiwang ang kanilang kaarawan. Ngunit, ang bida ng selebrasyon ay ang napakacute na anak nina Carlo at Trina na si Enola Mithi. At para nga sa espesyal at masayang pagdiriwang ng 1st birthday ni Baby Enola ay naghanda sina Carlo at Trina ng isang Sesame Street-themed birthday party na dinaluhan ng kanilang mga kapamilya at ilang malalapit na kaibigan.

Credits: Carlo Aquino |IG

Kagaya naman ng birthday party ng ibang bata, ay talagang pinaghandaan nina Carlo ang 1st birthday ng kanilang anak. Kahit nga sa bahay lamang nila ginanap ang masayang selebrasyon ay kompleto naman ang party kung saan nga ay mayroong beautiful photo wall, birthday cake, decors, at party favors.

Sa kani-kanilang social media accounts, ay masayang ibinahagi nina Carlo at Trina ang mga kuha ng larawan sa masayang pagdiriwang ng 1st birthday ni Baby Enola, at selebrasyon na rin ng ika-36th birthday ng aktor. Ang magagandang kuha ng larawan sa kanilang masayang pagdiriwang ay binigyang kulay ng Nice Print Photography.

Credits: Carlo Aquino |IG

Makikita sa mga larawan ang masayang pamilya ni Carlo kung saan nga ay pareho silang nakasuot ni Trina ng puting tshirt na may Semame Street design samantalang si Baby Enola naman, ay cute na cute sa kanyang suot na colorful dress na may disenyo ng mukha ni Elmo. Nakasama rin ni Baby Enola sa mga larawan ang kanyang lolo at lola na sina Jose Aquino at Amelia Aquino.

Napakacute naman ng disenyo sa birthday party ni Baby Enola. Ang kanyang cake nga ay gawa rin sa makulay na disenyo na may pinaghalong candy at monster design ng Sesame Street. Ang naging party favors naman ay Elmo World’s-themed loot bags at face masks.

Credits: Carlo Aquino |IG

Makikita rin sa mga larawan ang pagiging hands-on daddy at mapagmahal na ama ni Carlo sa kanyang anak. Sa ilang mga larawan ay makikita nakahalik si Carlo sa pisngi ng kanyang napakacute na anak.

At dahil nga birthday rin ni Carlo ay makikitang may sarili rin siyang cake kung saan nga ay isang liquor-themed birthday cake. Sa isang bahagi naman ng pader ay masisilayan ang Sesame Street’ photo wall para kay Carlo.

Sweet na sweet naman ang mag-partner na sina Carlo at Trina habang magkaangkas sa big bike ni Carlo na isang BMW motorcycle. Hindi naman maitago ng dalawa ang masayang ngiti sa kanilang mga labi. Patunay lamang nga nito na talagang masaya sila sa piling ng isa’t isa at mas lalo pang binigyang kulay ng kanilang anak na si Enola Mithi.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *