Aktor na si Albert Martinez Isang Certified Classic Car Collector, Ipinasilip ang Kanyang 21-Pirasong Klasikong mga Sasakyan

Maraming mga aktor at aktres ang batid natin na may kanya-kanyang koleksyon na umaayon sa bagay na kanilang kinahihiligan. Ang iba ay fashion bag or shoe collectors, ngunit may iba naman na nangongolekta ng mga magagarang sasakyan o mga tinatawag nga na car collector, at isa na nga rito ang batikang aktor na si Albert Martinez.

Credits: Albert Martinez | IG

Si Albert Martinez ay isa sa mga hinahangaang aktor sa industriya ng showbiz, na nagpamalas ng kanyang husay sa pag-arte sa loob ng apat na dekada, kung saan ay napakarami nga niyang mga pelikula at serye na nagawa.

Lingid naman sa kaalaman ng marami sa atin na ang batikang aktor na si Albert Martinez ay isang classic car collector, hanggang sa kamakailan nga lamang sa “Tunay na Buhay”, ang isa sa mga programa ng Kapuso network ay ipinasilip ni Albert ang kanyang mga koleksyon ng classic car, na talaga namang magagara.

Credits: Albert Martinez | IG

Ayon kay Albert nu’n pa mang siya ay bata pa, ay pangarap na talaga niya ang magkaroon ng klasikong kotse, lalo na ang Mercedes Benz SL. Kaya naman ng siya ay maging matagumpay at may kakayahan ng bumili ng kanyang sasakyan, ay agad nga siyang bumili ng pangarap na Mercedez Benz SL.

Dagdag ng aktor, ngayon ay ang kanyang ‘only son’ na si Alfonso ang gumagamit ng Mercedez Benz SL.

Ibinahagi rin ni Albert na sa ngayon nga ay mayroon na siyang dalawampu’t isang sasakyan na nakolekta, at ang lahat nga umano ng mga ito ay katas ng naging pagsusumikap niya bilang isang aktor sa industriya ng showbiz.

Credits: Albert Martinez | IG

Kuwento niya, nagsimula siyang mangolekta ng mga sasakyan noong taong 1995 gamit ang perang kanyang kinikita at sa pagkahilig nga niya sa sasakyan, ay hindi na niya namalayan na umabot na ito sa 21-piraso.

Saad pa ng aktor, dahil sa dami na ng mga klasikong sasakyan na kanyang pagmamay-ari ay wala na siyang maparadahan ng mga ito, kaya naman ang iba sa mga sasakyan niyang ito ay ipinarada niya muna sa garahe ng kanyang kaibigan sa Bulacan na ayon sa kanya ay kapareho rin niyang mahilig sa mga klasikong sasakyan.

Credits: Albert Martinez | IG

Ibinida naman ni Albert na ‘in good condition’ ang lahat ng mga koleksyon niya ng sasakyan, kahit nga ba klasiko na ang mga ito. Saad pa niya, talagang ‘well-maintained’ niya ang mga sasakyan niyang ito upang masigurado ang kaayusan at kagandahan ng mga ito.

Credits: Albert Martinez | IG

Samantala, para naman sa kaalaman ng marami ay hindi lamang ang pangongolekta ng mga klasikong sasakyan ang kinagigiliwan ngayon ni Albert, dahil ayon sa kanya, nahihilig rin siya ngayon sa mga off-roading at ito nga ay isa sa mga nagiging bonding nila ng kanyang pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *