Actor-Singer Markus Paterson, Iginiit na Hindi Pinagsisihan ang Pagiging Isang Batang-Ama sa Kabila ng Hindi Ito Madaling Obligasyon

Tunay nga naman na ang responsibilidad ng pagiging isang magulang ay hindi madali, dahil ito ay pang habangbuhay. Ngunit maituturing naman na isang biyaya sa Diyos ang pagkakaroon ng anak, kaya naman ang aktor na si Markus Paterson ay labis ang kasiyahan sa pagiging isang ama kahit ito ay kanyang naranasan na sa kanyang batang edad pa lamang.

Credits: Markus Peterson | IG

Sa edad na 22 ay isa na ngang ganap na ama ang singer-actor na si Markus Paterson. Aminado siya na sa kanyang edad ay hindi madali ang responsibilidad ng pagiging isa ng ama, ngunit ito umano ay hindi niya pinagsisihan.

Matatandaang noon lamang nakaraang taong 2020, ng maging isang ganap na ama si Markus sa panganay na anak nila ng kanyang partner na aktres na si Janella Salvador, at ito nga ay isang malusog na sanggol na pinangalanan nilang si baby Jude Trevor.

Credits: Markus Peterson | IG

Nito lamang namang taon ng kasalukuyan ng matapang na ihayag ni Markus at Janella sa publiko ang pagiging ganap na magulang nila, at unti-unti na nga nilang binuksan sa lahat ang buhay nila kasama ang kanilang anak.

Bukas nan gang ibinabahagi ni Markus sa kanyang YouTube channel ang kanyang fatherhood journey, at kung paano niya ine-enjoy ang pagiging isang ama.
Makikita sa YouTube channel ni Markus, ang kanyang episode 2 vlog series kung saan ito nga ay mayroong pamagat na “Papa’s Journey”, dito ay kanyang ibinahagi kung paano binago ng kanyang pagiging isang ama ang buhay niya ngayon.

Credits: Markus Peterson | IG

Ayon sa aktor, mula ng siya ay maging isang ama ay marami sa mga prayoridad niya sa buhay ang nabago. Dagdag pa niya, maging ang bawat sitwasyon na dumarating sa kanya ay nabago rin ang kanyang pagtingin.

“Yung buong buhay ko nabago. From decision-making, my priorities in life, how I think, how I approach, even the smallest situation. It’s really crazy”, ang naging saad ni Marcus.

Ikinuwento rin ni Markus, na sa pagiging isa niyang ama sa bata pa niyang edad, ay may pagkakataon na kinuwestyon niya ang kanyang sarili kung makakaya na nga niyang buhayin ang anak nila ni Janella. Ngunit ang kanyang pangamba at pag-aalinlangan ay unti-unti ring nawala, sa tulong at suporta ng kanyang partner na si Janella at ng pamilya nila.

“Mahirap talaga. Marami talagang papasok sa isip mon a ‘Kaya Ko Ba To? Kakayanin ko bat oh? Will I get enough work to financially support a child? There’s a lot of questions and doubts that will pop in your head”, ani pa ng aktor.

Credits: Markus Peterson | IG

“Pero the main thing that brought me out those doubts and question is, first of all Janella (Salvador) and my family back home in the UK”, dagdag na saad pa ni Markus.

Pag-amin naman ni Markus, sa kabila ng hindi madali ang responsibilidad ng pagiging isang ama, lalo na sa kanyang murang edad ay hindi niya umano pinagsisihan ang pagkakaroon na niya ng anak, dahil sa ito’y isang biyaya sa Diyos, at nagbibigay kasiyahan sa kanya ngayon at sa kanilang buong pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *