Vice Ganda, Pinasaya ang Kanyang Pamilya ng Sorpresahin at Regaluhan Niya ang mga Ito ng Isang Bagong Bahay

Isang malaking sorpresa ang inihanda ni Unkabogable Vica Ganda para sa kanyang buong pamilya, at ito nga ay ipinasilip niya sa kanyang pinaka-bagong uploaded vlog sa kanyang YouTube channel.

Credits: Vice Ganda | Youtube Channel 

Sa araw ng kaarawan ng kanyang kapatid, ay binigyang kasiyahan ni Vice ang kanyang buong pamilya, kung saan kasama nga ang kanyang ina ay ihandog nga niya sa kanyang buong pamilya ang bagong bahay na regalo niya sa mga ito.

Samantala, sinimulan ni Vice na planuhin ang sorpresang ito sa pamamagitan ng pag-imbita niya sa kanyang kapatid na si Dr. Tina Viceral kasama pa nga ang iba pang miyembro ng kanilang pamilya. Sinabi nga niya sa mga ito, na may inihanda siyang Birthday Dinner, para sa kanilang lahat magpamilya.

Hindi naman inasahan ng lahat na tutungo sila sa isang bagong bahay, at dito na nga sinabi ni Vice ang bahay na ito ay siyang regalo niya sa kanyang pamilya.

Credits: Vice Ganda | Youtube Channel 

Ilan naman sa malalapit na kaibigan ni Vice ang nakasama niya sa pagsorpresa niyang ito sa kanyang pamilya, kagaya na nga lamang nina Angeline Quinto, Amy Perez, Ryan Bang at ang kanyang partner sa buhay ngayonna si Ion Perez.

Ibinagi naman ni Vice, na magmula ng magkaroon ng pandemya ay marami siyang napagtanto sa kanyang buhay. At tunay namang masaya siya, ngayon na naibigay na niya sa kanyang pamilya, lalo na kanyang ina ang bagong bahay na pinapangarap niya para sa mga ito.

Credits: Vice Ganda | Youtube Channel 

“Na-reliaze ko ang uncertain ng life. Ta’s meron na rin akong fear ‘oh my God, ako kaya kailan kaya ako babawiin. Sino kaya ‘yung mas malapit na mawawala”, saad ni Vice.

Dahil nga dito, naisipan umano niya na bigyan ang kanyang pamilya ng isang napakahalagang regalo, at ito nga ay ang pagkakaroon ng isang maganda, maaliwalas at maayos na tahanan na sinomang pamilya ay talaga namang pinapangarap ito sa kanilang buhay.

“Gusto kong maramdaman ng family ko, ma-experience ‘yung sarap hangga’t nabubuhay ako, hangga’t nabubuhay sila. Gusto ko lang maramdaman naming lahat ‘yung masarap, ‘yung masaya, ‘yung maganda”, dagdag na saad pa ng sikat na comedian-host.

Credits: Vice Ganda | Youtube Channel 

Pagbabahagi pa ni Vice, hanggat may pagkakataon at panahon, ay nais niyang ibigay ang lahat ng bagay na makapagpapasaya sa kanyang pamilya, lalo na kung ito ay kaya naman niyang maibigay.

“Di ko rin alam kong hanggang kailan kami magkakasama. Hangga’t may chance, gusto ko nang ibigay ‘yung bongga hangga’t kaya ko, hangga’t kaya nilang makita. Hangga’y kaya nilang ma-experince”, ani pa ni Vice.

Ayon pa kay Vice, sa gitna ng nararanasan natin na pandemya, ay tila naghatid ng bagong pag-asa sa kanyang pamilya ang pagkakaroon ng bagong tahanan. At talaga namang napakalaking kasiyahan rin para sa kanya, na makita na masaya ang kanyang pamilya sa handog niya sa mga ito na bagong tahanan.

Credits: Vice Ganda | Youtube Channel 

“Yung makalipat sila ng bahay para maging excited sila ulit. Meron silang nilu-look forward. Bubuuin ‘yung bahay, paggagandahin ‘yung bahay. At saka may bagong silang pakiramdam, bagong bahay ang inuuwian nila”, saad pa niya.
Panoorin ang kabuuan ng sorpresa na ito ni Vice sa kanyang vlog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *