Tingnan ang Walang Kupas na Ganda ni Isabel Granada

Sino ba naman ang makakalimot sa isa sa napakagandang aktres na sumikat at nakilala sa mundo ng showbiz na si Isabel Granada?

Si Isabel Granada ay kilala bilang isang mahusay na aktres sa mundo ng showbiz. Ang kanyang mga magulang ay sina Humberto Granada at Spanish-born na si Isabel Villarama o mas kilala bilang si Mommy Guapa.

Credits: Google Image

Nagsimula sa pagmo-modelo si Isabel bago niya pasukin ang pag-aartista. Nagsimula ang kanyang magandang karera at kasikatan bilang isang aktres ng mapabilang siya sa programa noon ng yumao ng si Kuya Germs o German Moreno na “That’s Entertainment”. Siya’y napapanood tuwin araw ng Martes, kung saan ay nakasama niya sina Janno Gibbs at Manilyn Reynes.

Marahil marami sa atin ang hindi nakakaalam na maliban sa pagiging mahusay na aktres, ay isa ring lisensyadong piloto si Isabel Granada. Taong 2001 ng magtagpos siya ng kursong Bachelor of Science in Aeronautical Engineering sa Philippine Air Transport and Training Services.

Credits: Google Image

Pagdating naman sa kanyang karera sa showbiz, ay matatandaan na isa sa mga matagumpay niyang nakatambal bilang on-screen loveteam ay si Chuckie Dreyfus, na isa rin sa mga malalapit niyang kaibigan sa showbiz.

Dahil sa pagpapamalas ni Isabel ng kanyang husay bilang aktres, ay minsan na rin siyang napangaralan bilang Best Suppoprting Actress sa FAMAS noong taong 1998.

Hindi din maitatanggi na sa kanyang pagiging isang mahusay na aktres at isang indibidwal na may kahanga-hangang personalidad ay marami ang nagmahal at naging malapit kay Isabel sa kanyang mga naging kasamahan sa industriya.

Credits: Isabel Granada | IG

Samantala, ikinagulat naman ng publiko ng lumabas sa balita ang naging pagka-coma ni Isabel dahil sa cardiac arrest. Ito ay labis na hindi inaasahan ng lahat, lalo na ng mga taong malapit sa aktres, sapagkat si Isabel ay isang indibidwal na maalaga sa kanyang kalusugan.

Sa katunayan pa nga sa edad na 41 ni Isabel, ay talagang makikita ang pagiging fit at healthy niya, at napaka-seksi pa din dahil sa pag-aalaga niya kanyang katawan hindi lang mental kundi pati pisikal.

Credits: Isabel Granada | IG

Si Isabel ay may nag-iisang anak na lalaki sa kanyang dating asawa, at ito nga ay si Hubert na 14-taong gulang na. Isang mapagmahal na ina si Isabel sa kanyang anak at kitang-kita naman ito sa mga larawan nilang dalawa na magkasama.

Nang ma-confine nga sa hospital sa Doha, Qatar si Isabel dahil sa pagkawala ng malay nito na naging dahilan ng kanyang coma, ay marami ang nagdasal ng mabilis niyang pag-galing.

Credits: Isabel Granada | IG

Ngunit talagang hindi natin masasabi ang hangganan ng buhay ng isang tao sa mundo, dahil noon ngang ika-4 ng Nobyembre 6 P.M sa Qatar sa kanyang edad na 41 ay binawian na ng buhay si Isabel na ikinalungkot naman ng lahat, lalo’t higit ng kanyang pamilya at ng mga malalapit sa kanya.

Credits: Isabel Granada | IG

Kahit naman halos ilang taon na rin ang lumipas mula ng yuma0 ang aktres, ay hindi naman siya nakakalimutang alalahanin ng mga nagmamahal sa kanya, lalo na ang kanyang asawang si Arnel Cowly na inalala ang yuma0ng asawang si Isabel sa pagdiriwang nito ng ika-43 taong kaarawan dapat nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *