Tingnan ang mga Cute na Larawan ng Baby Boy ng Proud Mommy na Ngayon na si Roxanne Barcelo

Proud mommy na ngayon ang aktres na si Roxanne Barcelo sa kanyang baby boy. Masayang ibinahagi ng aktres na si Roxanne Barcelo kamakailan lamang ang mga larawan niya kasama ang kanyang cute na cute na baby boy, at kitang-kita nga kung gaano siya ka-proud bilang isa ng ganap na ‘mommy’ ng kanyang anak.

Credit: Roxanne Barcelo | Instagram
Matatandaan na si Roxanne Barcelo, ay isa sa mga kilalalang personalidad sa industriya ng showbiz, maliban sa kanyang pagiging isang aktres ay isa rin siyang mahusay na singer.

Samantala, tila naman magmula nung nakaraang taon ay punong-puno na ng sorpresa ang buhay ni Roxanne Barcelo. Dahil nung nakaraang taon, ay matatandaan na ginulat niya ang marami ng isapubliko niya na siya ay kasal na.

Noon pa man ay madalas ng nababahagi si Roxanne ng kanyang buhay para maging updated ang kanyang mga tagahanga, ngunit pagdating nga sa aspeto ng kanyang personal na buhay kagaya ng kanyang buhay pag-ibig ay pinili ng aktres na maging pribado ito.

Credit: Roxanne Barcelo | Instagram

“Alam ng lahat ng tao na I like to share too much. I always to share. But this time, I really have to respect his decisions to stay private”, ang naging pagayag ni Roxanne sa isa sa mga naging panayam dito noon.

Buwan ng Disyembre noon ngang nakaraang taon ng ikasal si Roxanne, sa boyfriend niya na kailanman ay hindi niya pinakilala sa publiko dahil sa pagnanais nga nito na maging pribado.

Ikinagulat na nga lamang ng marami ng magbahagi sa social media niya si Roxanne ng ilang mga larawan na nagpapakita ng pagpapakasal niya sa lalaking kanyang minamahal. Kahit naman nagbahagi ng ilang mga larawan ng kasal, ay sinigurado naman ni Roxanne na magiging pribado ang personalidad ng napangasawa, kaya naman sa mga larawan ng kanilang kasal ay hindi niya ipinakita ang hitsura ng kanyang asawa.

Credit: Roxanne Barcelo | Instagram

Hindi nga lang sa kanyang naging biglang pagpapakasal ginulat ni Roxanne ang marami niyang mga tagahanga. Dahil noon lamang buwan ng Enero ng kasalukuyang taon, ay inanunsyo ng aktres sa publiko ang kanyang pagdadalang-tao sa magiging panganay na anak nila ng kanyang asawa.

Ang balita ngang ito ay naging sorpresa na naman para sa marami, at ikinasiya ng mga tagahanga niya ang magandang buhay na tinatahak ngayon ng aktres.

“We are very excited to have this baby”, ang masayang pagbabahagi ni Roxanne sa kanyang YouTube vlog.

Credit: Roxanne Barcelo | Instagram

Isinilang ni Roxanne ang kanyang baby boy noong ika-22 ng Mayo, na kanyang ngang kinumpirma sa pamamagitan ng Story Highlight sa kanyang Instagram. Ang kanyang anak ay tinawag niyang si baby ‘Cinco.’

Ibinahagi naman ni Roxanne ang napaka-cute na larawan ng kanyang baby boy noong ika-27 ng Hunyo ng magdiwang ito ng unang buwan nito, kung saan ay kitang-kita nga sa mga larawan kung gaano ito kagiliw-giliw na sanggol.

“I love you”, ang naging caption naman ni Roxanne sa kanyang post.

Credit: Roxanne Barcelo | Instagram

Marami naman sa mga kapwa artist ani Roxanne ang hindi napigilan na mag-react sa kakyutan ng anak ng aktres, kagaya na lamang nina Marian Rivera, Alex G. Lopez, Sam Pinto, at marami pang iba.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *