Tingnan ang kahanga-hangang Pagpapamalas ni James Reid Noong Kanyang Kabataan ng Husay Niya sa Diving at Gymnast

Nito lamang nakaraan ay kumalat sa social media ang video clips ng actor-singer na si James Reid noong kanyang kabataan, kung saan nga ay ipinamamalas niya sa nasabing mga video ang husay niya sa gymnastics at diving.

Credit: James Reid |Instagram

Ang naturang video na ito ng actor-singer ay ibinahagi ng kanyang ama na si Malcom Reid.
Makikita nga sa naturang video na ibinahagi ng ama ng aktor, na batang-bata pa si James ng kinunan ito, kung saan nga ay masaya niyang sinusubukan ang iba’t ibang mga aktibidad o sports.

Credit: Malcom Reid | Instagram

Sa isa ngang video na ibinahagi ng ama ni James, kung saan ay makikitang abala ang bata pang aktor noon sa pag gymnast at sinabi nito na nasa 10-taong gulang pa nga lamang ng panahon na ito ang kanyang anak na aktor.

Credit: Malcom Reid | Instagram

Mapapanood sa naturang video ang kahanga-hangang pagpapamalas ni James ng kanyang husay sa pag-gymnast, na tila nga talagang sanay na sanay ito na inuunat ang kanyang pangangatawan ng hindi nahihirapan.

“James at gym class at 10”, ang caption ng ama ng singer-actor.

Credit: Malcom Reid | Instagram

Agad namang nagbigay komento ang mga netizens at tagahanga ni James ng makita nila ang naging husay nito sa pag-gymnast noong ito ay 10-taong gulang pa lamang.

“With his height and built he would have excelled as a gymnast too, very well-rounded childhood.”
“I remember Lauren mentioned before that James really outshines her in gymnastics. He really excels in everything that he does. Thank you for sharing these precious vids to us sir.”

Credit: Malcom Reid | Instagram

Samantala, isa pa ngang video clip ang ibinahagi ng ama ni James. At sa pagkakataon naman na ito ay masasaksihan ang naging kabilib-bilib na pag-dive ng bata pang si James, na tumalon nga sa swimming pool magmula sa napakataas na diving board.

Muli naman ngang ikinamangha ito ng mga netizens, kaya naman may mga nagbigay ulit ng komento ng pagpuri nila sa husay nito sa diving.

“So competitive this boy ever since!! Anything he gets interest with he excels on it and delivers with passion. From then to now”, saad ng isang netizens.

“Thank you Daddy M for sharing lot of James content. Masaya po kami na even sa video lang nakita namin how good and adorable James when he was a kid,” komento pa ng isa pang netizens.

Ibinahagi naman ni James Reid ang kuwento tungkol sa mga video na ito na ibihagi ng kanyang ama ng makapanayam nga siya ng TV host na si Boy Abunda sa YouTube channel nito. At dito nga sinabi ng aktor na noong kanyang kabataan ay talagang mahilig siya sa iba’t ibang mga aktibidad, at ito ay sinusuportahan ng kanyang ama na madalas naman siyang kinakuhanan ng video sa lahat ng mga ginagawa niya.

“My dad actually has hours and hours of cam footage when I was kid. I did a lot of different things when I was kid. I did diving. I did gymnastics, golf, football,” ani James.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *