Marami ang nasiyahan at hindi napigilan ang kiligin ng lumabas ang balita na kumpirmado na ang magiging pagpasok ng aktres na si Julia Montes sa “FPJ’s Ang Probinsyano” na pinagbibidahan nga ng kanyang humored partner na si Coco Martin.
Credit: Facebook | Image
Nito nga lamang araw ng Huwebes, Ika-29 ng Hulyo lumabas ang balita na mawawala na ang karakter ng aktres na si Jane de Leon sa pinakaabangang Primetime series ng Kapamilya network na “FPJ’s Ang Probinsyano”, at papalitan na ito ng aktres na si Julia Montes.
Ayon sa ulat, dahil sa magsisimula na ang taping ni Jane de Leon para sa kanyang magiging pag-ganap bilang ang Pinay Superhero na “Darna”, ay tatapusin na umano ang karakter nito sa nasabing serye. At kasunod nga ng balita na ito, ay ang naging pagkalat sa social media ng mga larawan ng aktres na si Julie Montes na kasama ang mga cast ng “FPJ’s Ang Probinsyano”.
Credit: Facebook | Image
Sa isang Facebook page nga ay makikita ang larawan ni Julia na kasama ang mga aktor na sina CJ Ramos, Basilyo, Sancho delas Alas at Coco Martin.
Makikita naman sa isang post ng Kapamilya Online World sa Instagram ang naging pagbabahagi nito ng ulat na nagsasabi nga na si Julia Montes ang papalit sa papaalis ng si Jane de Leon, bilang leading lady ni Coco Martin sa longest-running primtime drama ng Kapamilya network.
Credit: Facebook | Image
Samantala, ayon nga umano sa isang source, magsisimula na ang lock-in taping ni Julia sa “FPJ’s Ang Probinsyano” sa ika-6 ng Agosto.
Mas naging kapana-panabik naman para sa mg tagasubaybay ng “FPJ’s Ang Probinsyano” ang balitang ito, lalo na nga at ito ay kinumpirma na ng ABS-CBN news sa isa nilang post, kung saan ay sinabi nga na;
“THIS IS IT! Bibida na rin sa FPJ’s Ang Probinsyano si Julie Montes. Excited na ba kayo sa magiging papel niya?”
Maliban dito ay may naging kumpirmasyon rin patungkol dito ang prodyuser ng “FPJ’s Ang Probinsyano” na Dreamescape Entertainment patungkol dito sa kanilang Instagram, kung saan ay kanilang ibinahagi ang larawan ni Julia Montes na nasa set ng serye habang kasama nito si Coco Martin.
Credit: Facebook | Image
“IT’S OFFICIAL! #CocoJulisBack balik-tambalan sina Coco Martin at Julia Montes sa TV! Mapapanood si Julia bilang ang bagong leading lady ni Coco Martin sa ika-6 na taon ng “FPJ’s Ang Probinsyano”, saad nga sa IG post ng Dreamescape Entertainment.
Marami naman sa mga tagahanga nina Julia Montes at Coco Martin ang talagang nasiyahan sa napakagandang balita na ito. At marahil ay mas magiging kapana-panabik nga para sa marami ang mga susunod pang ‘episode’ ng “FPJ’s Ang Probinsyano” dahil sa muling pagsasama ng tambalang CocoJul.