Sulyapan ang Taglay na Karisma at Kagwapuhan ng Hunk Actor na si Dominic Roque

Kamakailan nga lamang ay naging maingay ang pangalan ng hunk actor na si Dominic Roque sa social media, at ito nga ay matapos ang naging pagbubukas nila sa publiko ng aktres na si Bea Alonzo ng tunay na estado ng relasyon nilang dalawa.

Credits: Dominic Roque | IG

Marami naman ang talagang kinilig sa dalawa, lalo na nga ng ipakita na nila sa publiko ang mga masasaya at sweet moments nilang magkasama.
Samantala, matapos ngang kumpirmahin ng ngayon ay Kapuso actress ng si Bea Alonzo ang kanyang relasyon sa Kapamilya hunk actor na si Dominic Roque, ay marami nga sa mga tagahanga ng aktres ang mas nais makilala pa ang aktor, at ang personalidad nito.

Credits: Dominic Roque | IG

Para sa kaalaman ng lahat, si Dominic Roque ay mula sa mga angkan ng mga artista, kaya naman hindi na kataka-taka ang pagkakaroon niya ng artistahin looks at husay sa pag-arte. Pamangkin siya ng sikat na aktres noong dekada 90 na si Beth Tamayo.

Matatandaan nga na noong nakaraang ika-20 ng buwan ng Hulyo ay ipinagdiwang ni Dominic ang kanyang ika-31 taong kaarawansa bansang Amerika, kung saan ay kasama niya sa nasabing bansa ang aktres na si Bea Alonzo.

Bago pa nga ang naging kaarawan ni Dominic, ay nauna muna silang dumalo sa baby shower para sa kanyang tiyahin na si Beth Tamayo, at kasama rin niya ang kanyang kasintahang si Bea sa nasabing okasyon.

Credits: Dominic Roque | IG

Pagdating naman sa karera ni Dominic bilang isang aktor, ay matatandaan na nagsimula siyang sumabak sa pag-aartista noong taong 2010. Ang kanyang husay at galing sa pag-arte ay una niyang ipinamalas ng siya ay mapabilang sa serye noon na may titulong “Habang May Buhay”, kung saan ay nakasama nga niya ang batikang aktres na si Judy Ann Santos.

Taong 2012 naman ng makuha ni Dominic ang kanyang ‘big break’ sa showbiz, ito nga ay ng maging isa siya sa lead character sa fantaseryeng “Aryana”. Nakatambal niya sa seryeng ito ang sikat na teen actress na si Ella Cruz, at kasama rin nila ang teen actor na si Paul Salas.

Credits: Dominic Roque | IG

Maliban nga sa “Habang May Buhay” at “Aryana”, ay marami pang mga naging proyekto si Dominic, kagaya na nga lamang ng “May Isang Pangarap”, “Moon of Desire”, “Pangako Sa’Yo” at “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Hindi nga lamang sa mga serye sa telebisyon ipinamalas ni Dominic ang kanyang galing sa pag-arte, dahil nagkaroon din siya ng pagkakataon na mapabilang sa mga pelikula na mapapanood sa big screen. Ilan sa mga kinabilangan niyang pelikula ay ang “Pagpag: Siyam na Buhay” at ang “Seklusyon.”

Si Dominic Roque ay nagtapos ng kanyang kursong Tourism sa De La Salle – Colleg of Saint Benilde. At maliban nga sa kanyang pag-aartista, ay may mga ibang bagay pa siyang pinagkakaabalahan.

Hindi alam ng marami na maliban sa pagiging isang aktor, ay isa ring motorcycle enthusiast si Dominic. Hobby din niya ang kumuha ng magagandang mga larawan.

Credits: Dominic Roque | IG

Ilan nga sa mga magagandang larawan na kinunan ni Dominic ay ang mga Instagrammable photo ng kanyang nobyang si Bea Alonzo na kinunan kamakailan nga lamang sa naging bakasyon at pamamasyal nila sa bansang California.

Matatandaan naman na nagsimulang ma-link sa isa’t isa sina Bea at Dominic noon pang taong 2019, ito nga ay matapos lumabas sa social media ang kanilang intimate photo na kuha sa naging bakasyon nila sa Japan.

Credits: Dominic Roque | IG

Ngayong taon nga lamang binigyang linaw nina Bea at Dominic ang tunay na estado ng kanilang relasyon, kung saan sila nga ay magkasintahan na.
Para naman kay Bea, isa sa mga katangian ng nobyo na talagang minahal niya rito ay ang pagiging ‘caring boyfriend’ nito.

Sa ngayon nga ay patuloy na nagbibigay kilig sa maraming netizens sina Bea at Dominic, lalo na’t makikita nga kung gaano sila kasaya sa piling ng isa’t isa at kung gaano sila nagmamahalang dalawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *