Sulyapan ang Naging Kaganapan sa Muling Pagtatagpo ng Dating Magkatambal na Mahal at Mura

Sino nga ba naman ang makakalimot sa tambalang Mahal at Mura? Isa lang naman sila sa mga tambalan noon na nagbigay aliw sa maraming mga manonood, kaya naman talagang sila ay minahal ng publiko.

Credits: Mygz Molino | Youtube Channel 

Sa kabila naman nito, ngayon nga ay hindi na natin nasisilayan pa sa ating mga telebisyon ang dalawa. Kaya naman maraming netizens ang naaliw nang nito nga lamang nakaraan ay lumabas ang video nina Mahal at Mura, kung saan sila ngang dalawa ay muling nagtagpo sa tagal ng panahon na nawalan ng komunikasyon sa isa’t isan.

Kasama ang kanyang partner ngayon sa buhay na si Mygz, ay tinungo at binisita ni Mahal ang dating katambal na si Mura sa munting tahanan nito sa probinsiya nito.
Ang naging muli ngang pagtatagpo ng magkaibigan at dating magkatambal ay mapapanood sa uploaded video sa YouTube channel ng partner ni Mahal na si Mygz.

Credits: Mygz Molino | Youtube Channel 

Mapapanood sa video, na dahil may kalayuan ang probinsiya kung saan naninirahan ngayon ang dating aktor na si Mura Tesorero ay naranasan pang maligaw ni Mahal at ng partner niyang si Mygz. Pagdating pa sa nasabing probinsya ay malayo-layo pa ang kanilang nilakad patungo sa munting tahanan ni Mura, kung saan ay naranasan pa nga nilang maglakad sa putikan.

Credits: Mygz Molino | Youtube Channel 

Ngunit magkaganunman ay hindi naman alintana ni Mahal at Mygz ang kanilang naging pagbyahe at paglalakad ng malayo, dahil ang layunin nga nila ay ang mabisita at muling makita ang kaibigan at dating katrabago ni Mahal na si Mura.
Nang magkita nga sina Mahal at Mura, ay kitang-kita naman ang kasiyahan sa kanilang dalawa. At tila nga kahit matagal silang hindi nagkita at nagkasama ay wala namang nagbago sa closeness at friendship nila.

Kinagiliwan nga ng mga netizens, ng makita sina Mahal at Mura na nagkukulitan at nagtatawanan sa muli nilang pagkikita na magkaibigan.

Samantala, ang partner naman sa buhay ni Mahal na si Mygz ay todo suporta din, at kita na nasiyahan rin siya para sa dalawa.

Credits: Mygz Molino | Youtube Channel 

Nagkakuwentuhan pa nga sina Mahal at Mura sa pagkikita nilang ito, kung saan ay nagkamustahan sila patungkol sa mga buhay-buhay nila ngayon, lalo pa’t pareho na silang wala sa mundo ng showbusiness.

Kahit naman matagal ng hindi nasisilayan sa telebisyon sina Mahal at Mura, ay marami pa ring netizens ang nakakakilala sa kanila at hindi pa rin nalilimutan ang mga naging karakter nila noon sa mga proyekto na kanilang kinabilangan.
Sobra naman ang tuwa ng mga netizens sa muling pagtatagpo ng magkaibigan, at sa naging masayang kuwentuhan nga ng mga ito sa kanilang mga buhay ngayon.

Narito nga ang ilan sa mga komento ng netizens;

“A very heart touching one, true friendship counts here and patience.”

“So happy to see Mahal and Mura reunited.”

“I’m so glad to see this [smiling face] nakangiti lang ako habang pinapanood ko kayo.”

“Iba pa din ang closeness nilang dalawa nakakatuwa.”

YouTube video player

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *