Sulyapan ang mga Nakakatuwang OOTD ni Assunta de Rossi at ng Kanyang anak na si Baby Fiore

Noong nakaraang taon lamang nang maging usap-usapan sa social media ang aktres na si Assunta de Rossi at ang kaniyang miracle baby. Matatandaang ikinasal si Assunta sa dating kongresista na si Jules Ledesma noong Marso 2004. Ngunit halos dalawang dekada pa ang kanilang hinintay bago sila biyayaan ng anak. Kaya naman itinuring nilang himala noong nagbuntis si Assunta sa edad na 37.

Credits: Assunta Ledesma | Instagram

Oktubre noong nakaraang taon nang isilang ang kanilang anak na si Guilia Florentina Alessandra o mas kilala sa pangalang, Fiore.

Ngayon ay siyam na buwang gulang na si Baby Fiore at talaga namang makikita sa social media ni Assunta ang bonding, pagmamahal, at saya ng mag-ina. Makikitang punong-puno ng mga litrato ni Baby Fiore ang Instagram account ng aktres. Makikita rin na tuwang-tuwa si Assunta sa pag-aalaga sa kaniyang panganay na anak. Aliw na aliw naman ang mga netizens sa mga cute na outfit at costumes ni Baby Fiore. Sa isa sa mga costume nito, lalong nakita ang kaniyang kagandahan sa mala-prinsesa nitong damit.

Credits: Assunta Ledesma | Instagram

Sa isa pa nitong costume, makikita naman na nagmistulang cute na cute na bubuyog si Baby Fiore. Anuman ang kasuotan ni Baby Fiore ay makikita pa rin ang kagandahang minana niya sa kaniyang ina. Mula naman sa Valentine’s Day costume ng sanggol ay mayroon din siyang Chinese New Year costume. Talaga namang sa kahit anong okasyon ay handa si Assunta na gawing cute ang kasuotan ng kaniyang anak. Ngayon ay may higit na 10,000 na likes ang mga litrato na ito ni Baby Fiore.

Credits: Assunta Ledesma | Instagram

Bilang isa sa kanilang mga bonding, hindi nagpapahuli si Assunta at Baby Fiore sa kanilang mga nakakatuwang OOTD o Outfit of the Day. Isa sa kanilang ternong OOTD ay ang kanilang vintage dress na umani naman ng papuri mula sa mga kaibigan ni Assunta sa showbusiness. Kung minsan naman ay terno ang kulay na damit ng mag-ina. Hindi naman magpapahuli sa likes at komento ang nag-iisang tita ni Baby Fiore na si Alessandra de Rossi.

Umani naman ng libo-libong likes at komento ang mga post na ito ni Assunta.

Credits: Assunta Ledesma | Instagram

Hindi na rin nakapagtataka kung maging fashionista o artista rin si Baby Fiore sa kaniyang paglaki sapagkat sa murang edad pa lamang ay sinsanay na siya sa cute at magagarbong damit at higit sa lahat, sa mundo ng social media.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *