Sulyapan ang Hindi Maitagong Pagmamahal ni Ciara Sotto sa Anak Niyang Si Crixus

Natural sa kahit sinong magulang na ipahayag sa iba’t ibang paraan ang kanilang pagmamahal sa kani-kanilang mga anak. Kung ang iba ay lagging pinupuri at ipinagmamalaki ang kanilang mga anak o kaya naman ay nagbibigay ng mga regalo, ang ilan naman ay lagi’t laging nagpopost sa social media.

Credits: Ciara Sotto | Instagram

Isa na nga rito si Ciara Sotto, isang sikat na artista, mang-aawit, pole dancer, at host sa GMA network. Makikita sa Instagram account ng aktres na punong-puno ito ng mga litrato nila ng kanilang anak na si Vincezo Jose o mas kilala sa kaniyang palayaw na Crixus. Si Crixus ay anim na taong gulang pa lamang at ang nag-iisang anak ni Ciara sa dati nitong asawa na si Jojo Oconer.

Makikita sa kanilang mga litrato na talagang malapit ang mag-ina sa isa’t isa at may matatag silang relasyon. Lagi ring mababasa sa kaniyang mga post kung gaano siya kasaya at kapalad na dumating sa kaniyang buhay si Crixus. Ayon sa kaniyang mensahe para kay Crixus,

Credits: Ciara Sotto | Instagram

“You’ll always be my most favourite miracle! God has truly shown His love for me by giving me YOU. What did I do to deserve such a wonderful boy?!” Makikita rin sa kaniyang mga post kung gaano ka-protective na ina si Ciara kaya’t handa siyang gawin ang kahit na ano para sa kaniyang unico hijo. Sabi nga niya sa isang post, “As long as I’m living, my baby you’ll be”.

Bukod dito, makikita rin ang mga nakakatuwang bonding moments ng mag-ina gaya na lang ng kanilang pagsakay sa kabayo, sabay na pag-ehersisyo, at ang kanilang twinning pagdating sa pananamit na sinusulit ni Ciara hangga’t pumapayag pa ang kaniyang anak. Ayon nga sa kaniyang caption sa post na ito,

Credits: Ciara Sotto | Instagram

“Dear Crixus, one day, very soon, you won’t like “twinning” with me anymore. So right now, let me thank you for indulging your Mama. Hahaha! I love you so much my sweet boy!”

Credits: Ciara Sotto | Instagram

Maraming mga netizens at artista ang natuwa sa mga post na ito ni Ciara kaya naman umabot na ito sa higit na isang libong likes. Talagang makikita ang pagmamahal ng mag-ina sa isa’t isa. Ang tanging dasal lamang ni Ciara ay lumaking matapang at mabuting tao ang kaniyang anak, “… May you always shine for Jesus… and I pray that everyone you encounter will always see Him in you…”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *