Connect with us

Entertainment

Sulyapan ang Father and Son Bonding ng Mag-Amang Rodjun Cruz at ang kanilang Cute na Baby Joaquin

Isa sa mga first time celebrity parents ngayon na talaga namang madalas na ibinibida ang kanilang kagiliw-giliw na anak ay ang celebrity couple na sina Dianne Medina at Rodjun Cruz. Lagi ngang makikita sa Instagram account ng mag-asawa ang pagbabahagi nila ng mga moments nila bilang magulang sa kanilang baby boy.

Credit: Rodolfo Joaquin III | Instagram

Matatandaan na taong 2017 ng ma-engage ang aktres na si Dianne Medina sa aktor na si Rodjun Cruz, at makalipas ang dalawang taon ay nagpakasal na ang dalawa nu’ng buwan ng Disyembra taong 2019. Hindi pa man nagdiriwang ng kanilang unang anibersaryo ng kasala ng mag-asawa ay masaya naman nilang inanunsyo sa lahat na sila ay magkakaroon na ng anak, at taong 2020 nga ay isinilang na ni Dianne ang 1st baby nila ng asawa.

Isang malusog na baby boy nga ang naging unang anak ng mag-asawa at ito ay pinangalanan nilang si Rodolfo Joaquin Diego III o kilala ngayon ng publiko sa palayaw nitong si baby Joaquin.

Credit: Rodolfo Joaquin III | Instagram

Hindi nga maikakaila na magmula ng dumating sa buhay ng mag-asawang Dianne at Rodjun ang anak nilang si baby Joaquin ay mas nagkaroon pa ng saya at kulay ang kanilang pagsasama. Mula rin ng isilang ang anak, ay madalas ng ibinabahagi ng mag-asawa sa kani-kanilang Instagram account ang mga moments nila sa anak.

Ginawan na rin nila ng sariling IG account si baby Joaquin, at dun nila ibinabahagi ang lahat ng mga larawan at video nito na talaga namang nagbibigay aliw hindi lang sa kanilang mag-asawa pati na rin sa kanilang nga tagahanga.

Credit: Rodolfo Joaquin III | Instagram

Sa ilang mga larawan at bidyu nga na ibinabahagi ni Rodjun sa kanyang IG ay makikita ang kiulitan at masayang moments nila ng kanyang anak na si baby Joaquin. At ngayon nga na ito ay nasa 10-buwang gulang na ay mas naging energetic pa ang kanilang anak, at mas lumalabas na nga ang taglay nitong kabibohan.

Mayroon namang isang bidyu na ibinahagi si Dianne kung saan naman ay makikita na kanyang ichine-cheer ang anak, ito nga ay dahil sa nakakatayo na itong mag-isa.

Naging mas kaaliw-aliw naman para sa mga netizens si baby Joaquin dahil maliban sa taglay nitong kakyutan, ay talaga namang napaka-palangiti nitong sanggol.

Credit: Rodolfo Joaquin III | Instagram

Tila naman namana ni baby Joaquin ang pagiging mahusay sa pagsasayaw ng kanyang mga magulang, dahil kahit na 10-buwang gulang pa lamang ito ay makikita na ang pagkahilig nito sa sayaw.

Samantala, kamakailan nga lamang sa IG account ni baby Joaquin ay may ibinahaging larawan ang kanyang mga magulang, kung saan ito nga ay ang larawan niya na kasama niya ang kanyang daddy Rodjun.

Credit: Rodolfo Joaquin III | Instagram

“Me and Daddy @rodjuncruz”, ang maikling caption ng larawan. Sa kabilang ng kasimplehan ng larawan, ay makikita naman kung gaano ka-look a like ni baby Joaquin sa larawan na ito ang kanyang daddy, lalo na nga sa pagtitig sa kamera.

Tunay naman na sa pagsasama ng mag-asawa ay ang iba ang kaligayahan na naibibigay ng isang anak, kaya naman ang mag-asawang Dianne at Rodjun ay tine-treasure ang bawat sandali ng pagiging isang sanggol ng kanilang anak at labis ngang ipinaramdam rito ang pagmamahal nila.

error: Content is protected !!