Sino Nga Ba sa Dalawang Sikat at Naggagandahang mga Vlogger na Sina Ivana Alawi at AJ Raval ang Nakagawa ng Pinaka Kahanga-Hangang Car Wash Vlog.

Dalawa sa mga pinakamagaganda at sikat na artista at vlogger ngayon ay sina Ivana Alawi at AJ Raval. Parehong nagsimula sa pag-aartista ang dalawa.

Dahil sa kanilang kagandahan at husay sa pag-arte, talagang pinag-usapan ang kani-kanilang mga proyekto at sila ay unti-unti na ring kinilala.

Credit: Ivana Alawi | Youtube

Matapos nilang sumikat sa kanilang mga pelikula ay nagbukas agad sila ng YouTube channels upang patuloy silang makapagbigay ng content para sa kanilang mga fans. Unang nagbukas si Ivana Alawi ng kaniyang sariling YouTube channel noong 2018.

Sa kasalukuyan ay mayroon na siyang 105 videos at 13.6 milyong subscribers. Si AJ Raval naman ay nagsimulang maging YouTuber noong 2019. Mayroon pa lamang siyang 13 videos at 674,000 subscribers sa kaniyang channel.

Credit: Aj Raval | Youtube

Halos lahat sa kanilang mga videos ay talagang sinusuportahan at pinag-uusapan hindi lang ng kanilang mga fans kundi pati na rin ng mga netizens dahil sa kanilang nakakaaliw na content. Ngunit lalong pinag-usapan ang dalawa dahil sa kanilang car wash vlog na parehong umabot sa milyon-milyong views.

Matatandaang unang nagtrending ang car wash vlog ni Ivana noong nakaraang taon. Ito ay umani ng sampong milyong views, 446,000 likes, at 31,000 na komento sa YouTube.

Credit: Aj Raval | Youtube

Isa ito sa mga vlogs ni Ivana na may pinakamaraming views. Noong nakaraang linggo naman ay nagtrending din ang ginawang car wash vlog ni AJ Raval. Sa loob lamang ng dalawang linggo ay umani na agad ito ng 3.9 milyong views, 57,000 likes, at 6,700 na komento sa YouTube. Ito rin ang isa sa may pinakamaraming views sa kaniyang channel.

Dahil sa mga magagandang komento ng mga netizens, hindi na nakapagtataka kung tataas pa ang views para sa vlog na ito sa mga susunod na linggo.

Bukod sa mga papuri sa dalawa, hindi maiiwasan na sila ay paghambingin lalo na at sila ay parehong maganda, sikat, at may karanasan sa pag-aartista.

Credit: Ivana Alawi | Youtube

Kaya naman hindi pinalampas ng mga netizens na paghambingin ang dalawa sa kanilang parehong content. Sinasabi ng iba na walang dudang parehong maganda ang dalawa ngunit magkaiba sila ng personalidad.

Bagamat iba’t iba ang opinyon ng mga fans, ang tanging sigurado lang ay parehong ibinibigay ng dalawang aktres ang lahat upang makapagbigay ng kasiyahan sa kanilang fans.

YouTube video player

YouTube video player

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *