Silipin ang Royal Themed 11TH Month Birthday Celebration ni Baby Joaquin

Isa sa mga celebrity baby ngayon na talaga namang sinusubaybayan ng maraming netizens mula pa ng isilang ay ang anak ng celebrity couple na sina Dianne Medina at Rodjun Cruz na si baby Joaquin o sa tunay nga nitong pangalan na si Rodolfo Joaquin Diego Medina Illustre III.

Credit: Dianne Medina | Instagram

Matulin ngang lumipas ang mga buwan dahil tila parang kailan lang ng isilang ng aktres na si Dianne Medina ang panganay na anak nila ng kanyang asawang si Rodjun Cruz na si baby Joaquin. At ngayon ngang buwan ng Agosto ay tumuntong na ang kanilang panganay na anak sa ika-11 buwang gulang nito, kaya naman para sa espesyal na araw na ito sa buhay ng kanilang sanggol ay minarkahan ito ng mag-asawa sa pamamagitan ng isang simpleng selebrasyon.

Ibinahagi ni Dianne Medina sa kanyang Instagram account ang ilan sa mga larawan na kuha sa naging ika-11 buwang gulang ni baby Joaquin na pinaghandaan nga nila ng kanyang asawa.

Sa mga larawan ngang ibinahagi ng celebrity mom ay masisilayan ang cute na cute na si baby Joaquin nan aka-out fit ng pang isang prinsipe na tinernohan pa nga ng Royal crown na parang isang tunay na prinsipe o hari.

Si Dianne at Rodjun naman ay nag-patong rin sa kanilang mga ulo ng palamuti na parang pang Royal Queen and King, at kitang -kita sa mga larawan ang pagmamahal nilang mag-asawa sa kanilang anak na si baby Joaquin na para nga sa kanila ay prinsipe ng kanilang maliit pa lamang na pamilya.

Credit: Dianne Medina | Instagram

Kalakip ng mga larawan na ibinahagi ni Dianne ay ang kanyang caption na;

“Happy 11 months my prince my babyjoaquinilustre[red heart emoji] mahal na mahal kita.”

Ang isang larawan naman na ibinahagi ni Dianne ay nagpapakita ng naging pagpapa-picture ni baby Joaquin sa kanilang sofa habang nasa tabi nga niya ang kanyang cake na ang disenyo ay numerong 11 at may tema ngang pang Royal Prince.
Sa caption naman ni Dianne sa larawan na ito ay kanyang pinasalamatan ang may likha ng napakagandang cake ng kanyang anak sa ika-11 buwan nito.

“Thank you @sweet_bytash for the Royal themed cake! Thank you @serenityvibekidsph for baby Joaquin’s terno top and jogger pants”, saad pa nga ni Dianne sa kanyang caption.

Credit: Dianne Medina | Instagram

Mapapansin naman na sa ilang mga larawan na ibinahagi ni Dianne, ay makikita na iba’t iba ang mood ni baby Joaquin, at ayon nga sa aktres, ang mukha ni baby Joaquin na tila sersyoso na ay nangangahulugan na pagod na ito.

Credit: Dianne Medina | Instagram

Matatandaan na noong ika-10 ng Setyembre taong 2020 isinilang si baby Joaquin, at sa susunod na buwan nga ay ipagdiriwang na nito ang kanyang ika-1 taong kaarawan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *