Newly Wed Couple, Angel Locsin at Neil Arce Masayang Ipinasilip ang Kanilang Magiging Tahanan

Kamakailan lang ng ibahagi nina Angel Locsin at Neil Arce sa publiko ang kanilang pag-iisang dibdib na talaga namang kinakiligan at pinag-usapan ng lahat dahil sa pagiging simple ngunit cool at elegant ng kanilang naging kasal.

Credits: The Angel and Neil Channel

Matatandaan nga na dapat noon pang nakaraang taon naikasal ang dalawa, ngunit dahil sa pagkakaroon ng pandemya ito ay naantala. Ngunit natuloy nga noong buwan ng Hulyo, kung saan isang napakasimple lamang nitong kasal na civil ceremony na ginanap sa Taguig.

Pitong katao lamang naman umano ang dumalo sa kasal ng dalawa, kabilang na nga ang ama ni Angel at ina’t anak naman ni Neil.

Matapos naman ng naging kasal ng dalawa, ay masaya naman nilang ipinasilip sa publiko ang tahanan na kanilang titirhan, ngayon na sila ay mag-asawa na. Ayon sa newly wed couple, sila mismo ang nag-interior design ng nasabing tahanan na dating pagmamay-ari ng pamilya nina Neil na ngayon nga ay kanila ng mag-asawa kaya naman ito ay ipina-renovate nila.

Credits: The Angel and Neil Channel

Naikuwento ni Angel sa pinakabagong vlog nilang mag-asawa, na ang nasabing tahanan ay ini-ooffer sa kanila ng pamilya ni Neil at dahil sa ito ay ‘only child’ ay hindi na rin nila nagawang tanggihan ang tila regalo nga na ito sa kanila ngayon na sila ay mag-asawa na.

“In-offer ito ng family ni Neil. Ayaw sana namin tanggapin. Siyempre nakakahiya. Ayaw naming umasa, pero only child ang asawa ko”, ang natatawa ngang naging pag-amin ni Angel.

Credits: The Angel and Neil Channel

Naibahagi naman ni Neil na, ng ibigay nga sa kanila ng kanyang pamilya ang naturang tahanan ay ipina-renovate na lang nila ito ni Angel at naging malaki nga itong ginhawa at katipiran para sa kanilang mag-asawa.

“Sobrang laking ginhawa at tipid naming sa mga bagay. Medyo old house siya. Ni-renovate lang naming ng kaunti”, naging saad naman ni Neil.

Dagdag naman ng aktres, muntik na silang manirahan sa condo, dahil talaga namang nahirapan sila na pumili ng bagong bahay.

Credits: The Angel and Neil Channel

“Ang tagal naming naghanap. Syempre kailangan komportable kami. Okay sa locations ng trabaho namin. Kaya ng budget”, ani pa ni Angel.

Nang ipakita na nga nina Angel at Neil ang loob ng kanilang magiging tahanan ngayong mag-asawa na sila ay mapapansin agad ang high-ceiling reception area nila at ang iba’t ibang painting at artwork na nakapalibot dito.

Ayon naman kay Neil upang makatipid naman umano sila, ay mismong si Angel nga ang nagdisenyo sa loob ng kanilang tahanan.

Credits: The Angel and Neil Channel

“Si Angel since sobrang tutok niyang gawing home ito she makes sure na may pieces of me. Thank you vert much, my wife”, ang naging saad naman ni Neil.

Samantala, hindi pa naman naipapakita ng mag-asawa ang kabuuan ng kanilang tahanan ngunit naipasilip na nila ang kanilang den, lanai, lap pool, garahe, staff quarters, kitchen at dining area.

Karamihan naman umano sa mga kagamitan sa bahay ng mag-asawa ay nabili ni Angel sa mga local online store. At natupad din ang plano ng aktres na magkaroon ng kanyang sariling closet ang mga walis na bagay na sa unan ay hindi maunawaan ng kanyang asawang si Neil.

Credits: The Angel and Neil Channel

Sa nasabing vlog din na ito, ay naibahagi ni Angel na ang kanyang Hummer H2 na sasakyan na mahal na mahal niya ay naibenta na niya,matapos nga ang mahabang panahon na pangangalaga niya sa nasabing sasakyan.

Saad ng aktrees, ng magkaroon ng pandemya, ay maraming mga bagay siyang napagtanto at isa na nga rito ay ang mga bagay na kailangan at hindi niya kailangan.

“Nag-promise ako dati na hindi ko siya ile-let go. Kaya lang darating ‘yyung panahon na nag-asawa ka na or dumating din yung pandemic, mare-realize mo talaga ‘yung mga iki-keep mo. So kahit sobrang mahal na mahal ko itong sasakyan na ito, tecehincally di ko talaga siya kailangan”, ani ng aktres.

YouTube video player

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *