Naging Emosyonal si R&B Princess Kyla, ng Ibahagi ang Ikatatlong Pagkakataon na Mawala ang Kanyang Ipinagbubuntis

Nakakalungkot nga naman ang mawalan ng isang bagay na mahalaga sa iyong buhay, lalo na nga kung ito ay isa sa mga noon pa man ay iyo ng inaasam-asam.
Halimbawa na nga lamang nito ay ang kalungkutan na ngayon ay nadarama ng R&B Princess na si Kyla, ito nga ay matapos niyang maranasan muli sa ikatlong pagkakataon ang mawala ang sanggol na kanyang ipinagbubuntis.

Credits: Kyla Alvarez | IG

Noon ngang nakaraang buwan lamang, ay malungkot na ibinahagi ni Kyla na muling nadurog ang kanyang puso dahil sa ang inaasam asam nila na sanggol muli ng kanyang asawa ay muli na naman ngang nawala matapos niyang makunan.

“My heart is broken in level deeper than you may ever have imagined”, ang naging panimula ni Kyla.

Dagdag pa niya, ngayon na kapiling na rin ng kanyang ikatlong anak ang dalawa pang nauna niya dapat na anak na nalaglag din ng kanyang ipinagbubuntis pa, hiling niy nawa ay bantayan sila ng mga ito.

Credits: Kyla Alvarez | IG

“Our little angel, please watch over me, your Daddy, and Kuya Toby. Send our hugs and kisses to your 2 siblings in heaven. We love you our Millie”, ani pa ni Kyla.

Kalakip nga ng caption na ito ni Kyla, ay isang black & white photo, kung saan ipinakita niya ang kanyang baby bump habang kasama niya ang panganay niyang anak na si Toby.
Kamakailan lang din, ay ibinahagi ni Kyla na napanaginipan niya ang dapat ay third baby nila ng kanyang asawa, na pinangalanan nga nilang si Millie. Ayon sa kanya, di niya napigilan ang maluha, dahil hindi man lang niya nasilayan ang mukha ni Millie, ang third baby dapat nila ng kanyang mister.

“I cried because I didn’t see her face. I wish I saw her face.. I guess I’ll forever wonder about how my babies would look like if they were born.. I keep having those dreams. And losing the,… It feels so traumatic.”

Credits: Kyla Alvarez | IG

Maliban pa dito, ay ibinahagi rin ni Kyla ang kanyang throwback photo habang siya ay nasa beach, at ayon nga sa kanya dapat ay may plano silang pamilya na muling bumisita sa magandang beach sa Palawan, upang makapag-unwind na talaga namang kinakailangan niya, ngunit dahil nga sa pagpapatupad muli ng ECQ sa NCR ay hindi sila natuloy.

Sa huling bahagi ng caption ni Kyla ay sinabi niya, na nais niyang munang matakasan ang reyalidad ng buhay, kahit sa sandaling panahon lamang upang sandaling makalimutan ang nakakalungkot na pinagdadaanan niya ngayon.

Credits: Kyla Alvarez | IG

“I just want an escape from reality…. Even if it’s just for little while.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *