Mga Netizens Pinuri ang Angking Kagandahan ni Zia Dantes, Ang Panganay na Anak ng Celebrity Couple na Sina Marian Rivera at Dingdong Dantes

Ang celebrity couple na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes ay isa lamang sa mga sikat at hinahangaang mag-asawa sa mundo ng showbiz. Ito ay hindi nga lamang dahil sa parehong mayroong magandang karera ang mag-asawa sa kani-kanilang showbiz career, kundi dahil na rin sa napakaganda at napakatamis nilang samahan bilang mag-asawa na talaga namang punong-puno ng pagmamahal nila sa isa’t isa.

Credit: Marian Rivera | Instagram

Sina Marian Rivera at Dingdong Dantes ay ang tinaguriang royal couple ng Philippines showbiz industry, ito nga ay dahil sa kanilang husay bilang mga artista na talaga namang sila ay sinusubaybayan ng marami nilang mga tagahanga. Ang mag-asawa ay parehong nakilala sa GMA network.

Matatandaan na noong taong 2014, buwan ng Disyembre naman ng ikasal ang mag-asawa at dahil sa napakaganda at engrande ng naging pag-iisang dibdib nila ay tinagurian itonkg royal wedding ng taon. Ngayon nga ay nasa anim taon ng kasal ang mag-asawa, at ang kanilang masayang pagsasama ay nabiyayaan na ng dalawang mga anak na parehong maganda at gwapo, na sina Zia at baby Ziggy.

Credit: Marian Rivera | Instagram

Si Zia o Maria Letizia ang panganay na anak ng mag-asawa, at mula nga noong ito ay ipinakilala ng kanyang mga magulang sa publiko ay agad na itong kinaaliwan ng mga netizens dahil sa pagiging kyut na sanggol nito.

Credit: Marian Rivera | Instagram

Hindi maikakaila na sa murang edad ni Zia ay makikita na rito na namana niya ang kagandahan ng kanyang ia, kaya naman marami na rin itong mga naging tagahanga at tagasubaybay.

Makikita sa Instagram account nina Marian at Dingdong ang madalas na pagbabahagi nito ng mga larawan ng kanilang mga anak, kagaya na nga lamang ng mga magagandang larawan ni Zia, kaya naman talagang mula pagka-baby nito ay nasabuybuyan na ito ng mga tagahanga ng mag-asawa.

Credit: Marian Rivera | Instagram

Dahil sa taglay na kakyutan at kagandahan ni Zia, ay umaani ang mga larawan nito parati ng maraming komento ng papuri at reaksyon mula sa kanyang mga tagahanga at tagahanga ng kanyang mga magulang.

Samantala, nito nga lamang nakaraan sa official Instagram page ng GMA network ay nagbahagi ito ng mga magagandang larawan ni Zia Dantes, at ito nga ay may caption na “Time flies so fast! Big girl na si ate Zia [red heart emoji] So preety like her Mommy @MarianRivera!.”

Credit: Marian Rivera | Instagram

Tila nga naman kay bilis ng paglaki ni Zia, at ngayon nga ay mas makikita pa na mas lalong lumilitaw ang angkin nitong kagandahan. Naging kapansin-pansin rin sa mga netizens kung gaano na kahusay mag-pose si Zia sa harap ng kamera, na tila ba ito’y sanay na sanay na.

Isa naman sa mga larawan ni Zia ang kinaaliwan pa ng mga netizens, ito nga ay ang kanyang naging wacky pose. Kahit naman naka-wacky ay mas nangibabaw pa rin ang taglay ni Zia.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *