Mga Netizens Namataan si Nadine Lustre sa Isla ng Siargao, Mag Stay for Good na nga Ba sa Isla ang Aktres?

Maraming mga netizens ngayon ang nagtatanong kung ang aktres ba na si Nadine Lustre ay mag-stay for good na sa Isla ng Siargao o nagbabakasyon lamang, ito nga ay matapos mamataan si Nadine sa isang sari-sari store sa Siargao na nito lamang nakaraan ay nag-viral nga ang kanyang larawan online.

Credits: jayelupe | IG

Hindi nga lingid sa kaalaman ng marami sa atin na marami ng mga personalidad sa showbiz, ang tila naging di-aktibo sa kanilang mga showbiz career at pinili na lamang ang mamuhay ng simple sa mga mga probinsya na may karelaks-relaks na tanawin.

Kaya naman ng maispatan si Nadine Lustre, na nasa Isla ng Siargao, ay may mga netizens ang di mapigilan na mapaisip kung ang aktres ba ay isa sa mga personalidad na pinipili na ang mamuhay ng simple sa probinsiya.

Credits: jayelupe | IG

Makikita sa nag-viral na larawan ni Nadine na siya ay nakasuot lamang ng bikini top at maong shorts, at maaaninag din na whualang anumang postura ang aktres sa kanyang mukha.

Tila umiral naman ang pagka-malikot ng pag-iisip ng mga tagahanga ng aktres, dahil sa Facebook page ng ‘Jadine’ ay isang nakakatuwang caption ang inilapat sa mga larawan na ito ni Nadine.

“Yung nautusan ka ng nanay mong bumili sa tindahan. (MANG TOMAS PO HAWAK NIYA) Nadine living a simple life In Siargao.”

Credits: Nadine Lustre | IG

Ang mga larawan nga na ito ni Nadine ay agad namang umagaw ng atensyon sa maraming mga netizens, lalo na nga sa mga humahanga sa aktres.
Narito nga ang ilan sa mga komento ng mga netizens;

“Gusto niya lang talaga simpleng life, na hindi maibigay bigay ng mga bashers nyang gang lait lang ang alam.”

“Kung ganito lang ako kaganda kapag pinapabili baka nasa tindahan na ako palagi.”

“Mukhang gagaya na siya kay Andi sa Siargao na mamumuhay ng simple.”

Credits: Jadinemoments | Facebook

Ayon sa ilang mga ulat, nasa Siargao na si Nadine bago pa man magpatupad muli ang pamahalaan ng ECQ restriction code sa NCR, kung saan ng bumyahe nga ang aktres ay namataan siya na kasama niya ang humored boyfriend niyang si Christopher Bariou, isang French-Filipino.

Base sa mga lumabas na ulat patungkol sa humored boyfriend ng aktres na si Christopher Bariou, ito umano ay founder at managing director ng Maison Bakuna. May mga balita rin na may pagmamay-ari itong resort sa isla ng Siargao, kung nasaan ngayon si Nadine.

Iknatuwa naman ng mga tagahanga ng aktres ang balita na ang kanilang iniidolo ay nakatagpo na ng bagong pag-ibig, ito nga ay matapos ang naging hiwalayan nito sa dati nitong nobyo na si James Reid.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *