Mga Netizens, Kinagiliwan ang Naging Zumba Bonding ng Mag-Inang Luis Manzano at Vilma Santos

Sa panibagong vlog na inilabas ng actor-TV host na si Luis Manzano, ay kanyang ipinakita ang naging Zumba bonding nila ng kanyang inang si Vilma Santos-Recto. Nagsilbing Zumba instructor si Luis ng kanyang ina sa pagzuzumba, at ito nga ay kinagiliwan ng maraming mga netizens.Makikita sa naturang vlog ang nakakaaliw at game na game na pakikipagkulitan ni Luis sa kanyang ‘momskie’ na si Vilma Santos habang tuinuturuan ito ng sayaw kasama ang iba pa nitong mga Zumba classmates.

Credits: Luis Manzano | Youtube

Nagbiro naman si Luis, na kaya siya nag-Zumba instructor ay dahil sa ‘gipit’ umano siya, at lately ay wala ngang inaabot na paayuda ang kanyang ina.

“Gusto kong sabihin na kaya ko pinasok ‘to dahil gipit ako”, ang hirit nga ng TV host-actor.
Dagdag pa niya habang kausap ang ina, “Wala kang inaabot lately. Nasanay ako na may konting paayuda. Ngayon, nganga.”

Credits: Luis Manzano | Youtube

Samantala, ang pinakagiliwan nga ng mga netizens sa Zumba bonding na ito ng mag-inang Luis at Vilma Santos-Recto, ay ang mga Zumba moves na itinuro ng actor-TV host sa kanyang momskie. Kung saan ilan nga sa kanyang mga itinurong Zumba moves ay ang tinawag niyang, “open-open”, “offer-offer”, “the shake”, “lick it” at ang “gwapo dance” na signature dance moves niya.

Ang vlog nga na ito ni Luis sa ngayon ay mayroon ng 250 views, at ang mga nagbigay komento rito ay umabot na sa 2000.

Makikita naman sa mga komento ng mga netizens, na karamihan sa mga mensahe nila ay nagpapakita ng kasiyahan na muling masilayan ang mag-inang Luis at Vilma.
Narito nga ang ilan sa mga komento ng mga netizens;

Credits: Luis Manzano | Youtube

“You should always have your mom included sa mga vlogs mo. Very positive ang vibes niyong dalawa.”
“Dancer talaga si Vilma, dali niyang nakuha ang steps. Grabe kayong mag-ina sumakit ang tiyan ko sa kakatawa. Salamat sa pagpapasaya sa amin ngayong pandemic.”

Talaga namang para sa mga netizens ay kaaliw-aliw ang pagsasama ng mag-inang Luis at Vilma, dahil sa positibong vibes na naibibigay nila sa mga tagasubaybay nila.

Credits: Luis Manzano | Youtube

Kilala si Luiz sa industriya ng showbiz bilang isang mahusay na TV host at aktor. Ngunit maliban dito ay kilala rin siya ng publiko bilang ang nag-iisang anak ng tinaguriang “Star for All The Season” sa showbiz na si Vilma Santos sa dati nitong asawang si Edu Manzano na isa rin sa mga hinahangaang aktor sa mundo ng showbiz.

YouTube video player

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *