Usong-uso ngayon ang online business bilang isa sa mga pinagkukunan ng ekstra income ng marami nating mga kababayan, lalo na nga ng makaranas tayo ng krisis dulot ng pandemya.
Hindi lingid sa kaalaman ng marami sa atin, na maging ang ilan sa mga celebrity na nawalan ng proyekto ng magkaroon ng krisis sa bansa ay piniling pasukin ang pagtitinda online upang maging isa sa mapagkukunan nila ng income.
Credits: Aljur Abrenica | IG
Samantala, nito lamang nakkaraan, ay ikinagulat naman ng publiko ng makita na maging ang aktor na si Aljur Abrenica ay nagtitinda na rin online, kung saan ay ilan nga sa mga kagamitan nito ang kanyang itinitinda.
Noon nga lamang araw ng Martes, ika-17 ng Agosto ay nagbahagi si Aljur sa kanyang opisyal Facebook account ng ilang larawan ng mga damit na di-umanoy kanyang ibinebenta.
Agad namang sinabi ni Aljur sa umpisa ng kanyang live-selling na ang mga ibebenta niyang damit ay mga pre-loved niya, at may iba rin na bago pa dahil hindi naman niya nagamit.
Credits: Aljur Abrenica | FB
“Guy’s I’ll be going live later – Tuesday Aug 17 at 5pm. I’ll doing a live selling auction to some of my pre-loved and even brand new items! Don’t miss it! Baka may ma-typa-an ka! see you!!”, ang naging saad ng aktor.
Dagdag pa ng aktor, halos nakatambak na lamang kasi ang mga kagamitan niyang ito dahil hindi niya nagagamita, kaya naman naisipan niya na ibenta na lamang ang mga ito.
Karamihan sa mga ibenebenta niya ay mga isa o dalawang beses pa lamang niya nasuo, kaya naman maayos na maayos pa ang mga ito. Ang iba naman ay ginamit lang niya ng isang beses sa taping at may iba nga na hindi talaga niya nagamit o naisuot dahil sa dami na rin ng mga ito.
Credits: Aljur Abrenica | FB
Maliban sa mga damit ay shorts, ay may ilang mga sapatos rin ang aktor na ibenenta sa kanyang ginawang live selling na ayon rin sa kanya ay mga hindi na niya ginagamit pang sapatos.
Mapapanood naman sa live selling na kayang ibinahagi, na kahit hindi nagsasalita si Aljur ay siya naman ang nagsusuot ng mga damit upang makita ng kanyang mga viewers kung ano ang fitting ng mga damit.
Marami namang mga netizens ang sinuportahan ang ginawag live selling ni Aljur. May iba namang mga tagahanga ang aktor na nagkomento ng pagbibiro, na ang nais nga nilang bilhin sa aktor ay ang undies umano nito.