Lyca Gairanod, Ibinahagi ang Dahilan ng Naging Pagbenta Niya ng Napanalunan Niyang ‘House & Lot’

Si Lyca Gairanod ay nakilala ng publiko bilang ang kauna-unahang grand champion sa programa noon ng ABS-CBN na ‘The Voice Kids’, kung saan sa kanyang pagkapanalo ay mga bigating premyo ang kanyang naiuwi.
Nag-uwi nga si Lyca noon ng malaking halaga bilang cash prize at isang house and lot sa isang subdibisyon.

Credits: Google Image

Ngunit nito nga lamang ay lumabas ang ilang mga ulat, na ang napanalunang house and lot ni Laica na nakatayo sa isang subdibisyon ay ibinenta na umano ng batang singer, at ginawa nga niya ito dahil sa isang malalim na dahilan.

Bilang pagbabalik tanaw sa buhay ni Lyca, matatandaan nab ago ang buhay na tinatamasa ngayon ng batang singer-vlogger, ay nagmula muna sila sa mahirap na pamumuhay. Ang kanyang pamilya, ay naninirahan sa Tanza Cavite at namumuhay lamang sa pamamagitan ng pangongolekta ng kalakal.

Credits: Karen Davila | Youtube

Ngunit dahil nga sa talentong taglay ni Lyca, ay nabigyan siya ng pagkakataon na maipamalas ito sa isang bigating patimpalak sa telebisyon at ito nga ay sa ‘The Voice Kids Philippines’ kung saan ay napabilang siya sa CampSarah team. At magmula nga noon ay naging breadwinner na siya ng kanyang pamiya.

Magmula nga ng magwagi sa nasabing singing contest para sa mga kabataan, ay dito na nga unti-unting nagbago ang estado ng pamumuhay ni Lyca at ng kanyang pamilya. Nakilala siya ng publiko, nagkaroon ng career, hanggang sa maging isa na rin siyang vlogger na ay sariling YouTube channel na tinatangkilik at sinusubaybayan ng marami niyang mga subscribers.

Credits: Karen Davila | Youtube

Samantala, nito nga lamang nakaraan, ay marami ang hindi makapaniwala ng ibahagi ni Lyca sa isa niyang vlog na ang house and lot na kanyang napanalunan noon sa The Voice Kids Philippines, ay kanya ng ibenenta.
Inilahad naman ni Lyca ang dahilan ng pagkabenta niya ng bahay, sa kabila nga ng marami na ring magagandang alaala nito sa kanilang pamilya.

“Marami pong memories sa napanalunang bahay. Pero para kay Lola, gusto niya kami makasama kaso malayo po kami. Dinala naming siya doon (new house) pero umuuwi. Ayaw niya po talaga doon”, saad ni Lyca.

Credits: Karen Davila | Youtube

Sa naging pahayag nga ni Lyca, ang napanalunan niyang bahay at lupa ay kinailangan niyang ibenta, sa kadahilanan na mas nais ng kanyang Lola na manatili sa luma nilang tahanan sa Tanza. Mas nais din ng kanyang Lola na magkakasama sila sa Tanza, kaya naman bumili na lamang si Lyca ng maayos na tahanan sa may Tanza, upang malapit siya sa luma nilang tahanan kung saan nanatili ang kanyang Lola.

YouTube video player

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *