Larawan ng Aktor na si Ronald Valdez Noong Binata Pa Umagaw ng Pansin Dahil sa Kanyang Napakagwapong Hitsura

Tunay nga naman na ang talento at husay ng isang tao pagdating sa iba’t ibang larangan kapag tumatak sa puso at isipan ng sambayanan ay hindi basta basta nalilimutan. Halimbawa na lamang nito ay ang ating mga mahuhusay na aktor at aktres sa ating bansa, na kahit lumipas na ang ilang taon ay hindi pa rin sila basta nalilimutan ng mga manonood at nakatatak pa rin ang naging kahusayan na ipinamalas nila sa harap ng kamera.

Credits: google | Image

Samantala, isa nga sa mga aktor noon na nagpamalas ng kanyang angking husay sa pagiging isang artista ay si Ronaldo Valdez o sa tunay na buhay ay si Ronald James Gibbs, na ngayon ay 73-taong gulang na.

Para sa kaalaman ng lahat, si Ronaldo ay unang nasilayan ng publiko sa harap ng kamera noong taong 1996, kung saan nga ay nasaksihan ng maraming mga manonood ang kanyang kahanga-hangang talento sa pag-arte. Ngunit maliban sa talentong taglay ni Ronaldo, ay isa rin siya sa mga aktor na nagtataglay ng gwapong mukha at makisig na pangangatawan lalo na nga noong kanyang kabataan.

Nito nga lamang nakaraan ay kumalat ang mga larawan ng kabataan ni Ronaldo Valdez sa social media, at ito nga ay pumukaw sa atensyon ng mga netizens dahil sa naging kapansin-pansin nga sa mata ng marami ang makisig at napakgwapong aktor nung kanyang kabataan.

Credits: google | Image

Marami sa mga netizens ang inihalintulad ang hitsura ni Ronaldo nung kanyang kabataan sa mga nag-gagwapuhang aktor ngayon, kagaya na nga lamang nina Ian Veneracion, Jestoni Alarcon, at Ej Falcon.

Napangasawa ni Ronaldo Valdez ang kanyang maybahay na si Marife, na tunay na nahulog sa kanyang angking kagwapuhan at personalidad. Ang kanilang pagsasamang mag-asawa ay nabiyayaan ng dalawang mga anak, na ngayon nga ay pareho ring pinasok ang mundo ng showbiz na kilala rin bilang mga mahuhusay na artista kagaya ng kanilang ama, at ito nga ay sina Melissa Gibbs at Janno Gibbs.

Credits: google | Image

Hindi naman alam ng marami, na noon ay nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang aktor na si Janno Gibbs at ama niyang si Ronaldo, kung saan ito nga ay naging dahilan upang ilang taon din na hindi nagkibuan ang mag-ama. Matapos naman ang ilang taon na hindi pagkikibuan ng mag-ama, kalaunan naman ay naayos nila ito.

Credits: google | Image

Aminado naman si Ronaldo na may mga pagkakataon din talagang hindi maiiwasan na ang magulang ay nakagagawa ng pagkakamali sa kanyang mga anak. At sa ganito ngang pagkakataon, ay hindi naman masamang aminin na nagkamali siya, at kahit na siya’y isang magulang ay kailangan niya din humingi ng kapatawaran sa kanyang anak.

Nagsilbi namang inspirasyon si Ronaldo sa maraming mga magulang na mayroong hindi magandang relasyon sa kanilang mga anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *