Kinagigiliwan Ngayon sa Social Media ang Binata na at Napakagwapong Anak ni Aga Muhlach na si Andres Muhlach

Kilala ang mag-asawang Charlene Gonzales at Aga Muhlach sa mundo ng showbiz. At batid rin ng publiko na ang mag-asawa ay mayroong kambal na anak, na isang babae at isang lalaki na pareho nan gang dalaga at binata na ngayon at pareho ngang namana ang pagka-artistahin looks ng kanilang mga magulang.

Credit: Aga Muhlach | Instagram

Ang anak nga binata ng mag-asawa ay si Andres Muhlach, na kitang-kita nga na nagmana ng kagwapuhan sa kanyang amang si Aga.
Hindi lingid sa kaalaman ng marami sa atin na si Aga Muhlach ay isa sa mga kinakikiligan na matinee idol noon dahil sa labis na kagwapuhan nito lalo na nga kapag lumitaw pa ang kanyang dimples kapag ngumingiti.

Samantala, makikita naman na bukod sa napakagwapo ng binatang anak ni Aga na si Andres ay matangkad rito sa edad nga nito na 19-taong gulang. Dahil din sa madalas na pagwo-work out ni Andres ay napakaganda rin ng katawan nito.

Credit: Charlene Gonzales| Instagram

Noon ngang nakaraang taon ay nagtapos na sa kanyang senior high school si Andres kung saan ay isang virtual graduation nga ang naganap. At matapos nga nito, ay sumunod namang kinaabalahan ng binata ang kanyang passion at hilig gawin, ito nga ay ang pagmo-modelo.

Credit: Charlene Gonzales| Instagram

Proud naman ang kanyang mga magulang na sina Charlene at Aga sa kanilang binatang anak. si Charlene Gonzales nga ay nagawa pang ibahagi sa kanyang social media ang larawan ni Andres, kung saan ito nga ay nagmo-modelo at nagkaroon pa nga ng billboard sa EDSA.

Sa bawat achievement naman ng kanilang kambal na anak ay lagi lamang nakasuporta ang mag-asawang Charlene at Aga, at ipinagmamalaki nga ang mga ito sa lahat.

Credit: Charlene Gonzales| Instagram

Dahil naman sa angking kagwapuhan at taglay ring karisma ni Andres, ay kinagigiliwan na rin siya ngayon ng mga netizens sa social media. Marami ang nagsasabi na tulad ng ama niyang si Aga, ay posible rin na maging isang matinee idol si Andres, kung tuluyan nga nitong pasukin ang mundo ng showbiz.

Credit: Charlene Gonzales| Instagram

Hindi naman magiging kataka-taka kung maging isang heathrob o matinee idol si Andres balang araw, lalo na nga’t kitang-kita naman ang kanyang kakisigan at kagwapuhan na nakuha niya sa maganda at gwapong lahi ng kanyang mga magulang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *