Connect with us

Entertainment

Kim Chiu, Ipinasilip ang Naging Pagtungo Niya sa Napakagandang Resort ng Balesin Island sa Quezon Kung Saan Labis Inenjoy ang Kanyang Bakasyon

Dahil sa pandemyang kinahaharap natin ngayon ay marami pa rin sa atin ang hindi magawang makapagbiyahe, hindi lang dahil sa mga restriksyon na ipinapatupad kundi ang pinakaunang kadahilanan ay dahil sa takot na mahawa ng nakahahawang karamdaman na kumakalat ngayon sa maraming panig ng mundo.

Ngunit ngayon nga na tayo ay namumuhay na sa tinatawag na ‘new normal living’ ng tao ay may ilan sa atin na nasasabik na ngang makapamasyal muli, ang mag-solo travel, o di kaya naman ay ang magbakasyon kasama ang mahal sa buhay.

Samantala, sa kabila ng patuloy pa rin nating nararanasan ang paglaganap ng pandemya ay may ilang lugar na nga sa Pilipinas at ibang bansa ang ngayon ay tumatanggap na ng mga lokal na turista. Kaya naman ilan sa mga personalidad na sobra ng nami-miss ang makapag-enjoy sa isang masayang bakasyon sa magandang lugar ay ay hindi pinalampas ang pagkakataon na ito.

Isa nga sa mga kilala nating personalidad sa industriya ng showbiz ang hindi pinalampas ang pagkakataon na muling maranasan ang isang masayang bakasyon, ay ang aktres na si Kimberly Sue Yap Chiu o mas nakilala nga natin bilang si Kim Chiu.

Si Kim Chiu, ay isa sa mga hinahangaan at sikat na aktres sa industriya ng showbiz. Maliban pa sa kanyang pagiging isang mahusay na aktres, ay isa rin siyang kilalang singer, dancer, host at vlogger.

Kamakailan nga lamang sa kanyang social media account, ay ipinasilip ni Kim Chiu ang kanyang naging masaya at napaka-enjoy na bakasyon sa isang mala-paraisong lugar.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess)

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess)

Kitang-kita nga sa naging pagpapasilip ni Kim, na talaga namang napakaganda at karelaks-relaks ng lugar na kanyang pinuntahan, dahil sa napakalinaw at linis ng tubig dagat nito, idagdag pa ang napakagang tanawin na nakapaligid dito. Ayon sa aktres, ang mala-paraisong lugar na ito na kamangha-mangha ang kagandahan ay ang Balesin Island, na matatagpuan sa Quezon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess)

Sa naging bakasyon nga na ito ni Kim ay hindi niya pinalampas ang pagkakataon na muling makapagtampisaw sa napakalamig na tubig dagat.

Naging kapansin-pansin naman sa maraming mga tagahanga ng aktres ang mga napakagagandang larawan na ibinihagi ni Kim sa kanyang social media account, kung saan ay kitang-kita nga sa kanyang suot na swimsuits ang kanyang maganda at balingkinitang hubog ng katawan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess)

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess)

Hindi naman maikakaila na malayo na talaga ang narating ni Kim sa kanyang buhay, mula sa isang simpleng dalaga noon sa Cebu na nangangarap na mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya, ngayon nga ay talagang halos lahat ng pinapangarap niya ay kanya ng naisakatuparan magmula nga ng mabigyan siya ng oportunidad na mapasok ang industriya na kanyang ginagalawan ngayon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess)

At dahil nga sa magandang buhay na tinatamasa ngayon ni Kim ay nagagawa na rin niya ang makapag-relaks at makapasyal sa mga magagandang lugar sa ating bansa, kagaya na nga lamang ng naging masaya niyang bakasyon sa Balesin Island.

error: Content is protected !!