Kilalanin si Kotaro Shimizu ang Unico Hijo ng Aktres na si Jean Garcia na may Dugong Hapon at Taglay Rin ang Pagka-Artistahin Looks

Ang aktres na si Jean Garia ay isa sa mga hinahangaang aktres sa mundo ng showbiz dahil sa naging mahuhusay niyang pag-ganap sa kanyang mga karakter sa bawat proyekto na kinabibilangan niya.

Credit: Chic2garcia | Image

Madalas na isang kontrabida sa isang serye o pelikula ang kanyang nagiging karakter, na talaga namang tumatatak sa maraming mga manonood dahil sa ito ay nabibigyan niya ng hustisya at buhay.

Samantala, marami naman sa atin ang hindi nakababatid na si Jean Garcia ay mayroong anak na lalaki sa isang Japanese advertising executive, na hindi naman na niya pinangalanan pa dahil sa matagal na ring tapos ang kanilang naging relasyon.
Si Kotaro Shimizu ang hunico hijo ng aktres, na siya ngang naging anak niya sa kanyang nakarelasyon na Hapon na isang advertising executive.

Credit: Chic2garcia | Image

Binata na ang unico hijo ng Jean Garcia na si Kotaro, dahil noon lamang nakaraang buwan ng Abril ay tumuntong na ito sa edad na 19.

Makikita naman sa mga larawan na si Kotaro ay malapit sa kanyang ina at ama, sa kabila ng ang mga ito ay hiwalay na. Malapit rin ang binata sa kanyang half-sister na si Jennica Garcia, sa katunayan pa nga ay kinagigiliwan niya rin na alagaan ang mga pamangkin niya na anak nito.

Credit: Kotaro shimizu | Tiktok

Kinahihiligan naman ni Kotaro ang paglalaro ng basketball. At isa nga sa kanyang mga pangarap ay ang makapanood ng NBA game live, na nabigyan naman ng katuparan ng mapuntahannga niya ang live game nito sa Staples Center.

Hindi naman maikakaila na sobrang malapit si Kotaro sa kanyang inang si Jean Garcia, at makikita nga sa kanilang mga larawan na napakarami nilang mga bonding moments mag-ina. Ilan nga sa kanilang nagiging bonding ay ang panonood ng mga movie, pagtatravel at ang pagsaluhan ang masarap na pagkain.

Credit: Chic2garcia | Image

Kitang-kita naman ang taglay na kagwapuhan ni Kotaro, kaya naman marami rin ang nagsasabi na posibleng pasukin rin nito ang industriya ng showbiz at sundan ang yapak ng kanyang inang si jean Garcia at half-sister niyang si Jennica.

Dahil nga sa may lahing Hapon, ay papasa rin bilang isang Japanese actor si Kotaro, dahil sa kanyang taglay na kagwapuhan,na pinaghalo ngang mukha ng kanyang inang si Jean Garcia na isang Pinay at ama niya na isa namang Hapon.

Credit: Kotaro shimizu | IG

Maliban pa nga sa kanyang pagkahilig sa basketball, ay nag-eenjoy rin si Kotaro sa pagpapakita ng kanyang talento sa pagsasayaw sa pamamagitan ng TikTok apps.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *