Kilalanin si Dave Almarinez, Ang Presidente at Ceo ng Philippine International Trading Corporation na Ngayon ay Mister na ng Aktres na si Ara Mina

Ang 42-taong gulang na aktres, singer, endorser at entrepreneur na si Hazel Pascual Reyes-Almarinez o mas kilala ng publiko bilang si Ara Mina ay isa sa mga pinakasikat na actress at sexy star noong kanyang henerasyon.
Hindi nga lamang ang pagiging mahusay na artista ni Ara Mina ang hinahangaan sa kanya ng publiko, dahil isa rin siya sa mga aktres sa showbiz na nagtataglay ng magandang mukha at kaakit-akit na hubog ng pangangatawan.

Credit: Niceprint Photo | Instagram

Ngunit tulad rin ng maraming kababaihan, sa kabila ng kanyang pagkakaroon ng matagumpay na karera, magandang mukha at seksing pangangatawan ay naranasan rin ni Ara Mina ang masaktan at mabigo sa pag-ibig.
Batid ng marami sa atin na ang aktres ay mayroon ng isang anak na babae, at ito ay si Amanda Gabrielle Meneses, na ang ama ay ang dating nobyo niyang si Bulacan Mayor Patrick Meneses.

Sa naging pagsasama ng dalawa noon ay maituturing nilang isang magandang biyaya ang pagdating ng kanilang anak na si Mandy, ngunit dumating rin sila sa punto na pinili nilang tapusin na ang kanilang relasyon.
Kahit naman natapos ang relasyon ng dalawa, ay napanatili naman nila ang pagkakaibigan sa isa’t isa para na rin mas maging maayos nilang magampanan ang pagiging magulang nila sa kanilang anak.

Credit: Niceprint Photo | Instagram

Dahil sa naging pagkabigo sa pag-ibig, ay mas pinili na lamang ni Ara Mina na ibigay ang kanyang buong oras, panahon at atensyon sa kanyang anak na si Mandy sa mahabang panahon, kung saan ay nanatili nga siyang ‘single’.

Hindi naman inaasahan ng aktres na sa isang ‘event’ na kanyang dinaluhan, ay makikilala niya ang lalaking magbubukas muli sa kanyang puso at muling magpapa-ibig sa kanya, at ito nga ay si Dave Almarine na ngayon nga ay mister na niya.

Si Dave Almarinez ay kilala bilang ang Presidente at CEO ng Philippine International Trading Corporation, kaya naman talagang napakayaman nito. Maliban pa dito ay isa rin siyang pulitiko, kung saan noong ngang taong 2007 ay tinanghal siyang Provincial Board Member ng Laguna.

Credit: Niceprint Photo | Instagram

Lingid naman sa kaalaman nng lahat, na bago ang tinatamasang tagumpay ni Dave Almarinez sa kanyang buhay ngayon, ay nagtrabaho pala ito noon sa bansang Singapore kung saan doon nga siya nagkaroon ng isang direct selling business.
Samantala, matatandaan nga na noong ika-30 ng Hunyo taon ng kasalukuyan ng ikasal si Ara Mina at Dave Almarinez, kung saan ito ang isa sa mga pinakamaganda at engrandeng kasal na naganap ngayong panahon ng pandemya sa ating bansa.

Ang kasal ng dalawa ay ginanap sa Alphaland Baguio Mountain Lodges na dinaluhan nga ng kanilang kapamilya at malalapit na kaibigan. Ilan nga sa mga dumalo na personalidada sa showbiz na kaibigan at naging katrabaho ni Ara ay sina, Barbie Imperial, Sunshine Cruz, Jessa Zaragosa, Melissa Ricks, Jenny Miller at Jaycee Parker.

Credit: Niceprint Photo | Instagram

Para naman kay Ara, ay napakaswerte na niya ngayon sa kanyang mister na si Dave Almarinez, dahil sa sobrang masipag, responsible at mabuting tao nito. Makikita pa nga sa naging Instagram post noon ng aktres ng ibahagi niya kung gaano siya ka-proud sa kanyang mister, at hinding hindi nga siya magsasawa na ipagmalaki sa lahat ang taglay na kabutihan nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *