Kilalanin si Alex Jazz, Ang Gwapong Anak ng Kapuso Actress na si Jennylyn Mercado na Ngayon ay Kinagigiliwan ng mga Netizens

Marami sa ating mga kilalang celebrity ang ngayon nga ay mayroon ng mga anak, at bilang mga magulang nga ay madalas nilang ipinagmamalaki ang mga ito lalo na’t batid natin na ang mga anak ay isa sa mga itinuturing na yaman ng isang magulang.

Credit: Jen Mercado | Instagram

Isa na nga sa mga celebrity ngayon na talaga namang proud sa kanyang anak, ay ang Kapuso actress na si Jennylyn Mercado, na madalas ngang ipini-flex ang anak niyang lalaki na si Alex Jazz sa kanyang social media account.

Madalas ngang makikita sa Instagram account ni Jennylyn ang mga larawan nila ng anak niyang si Jazz, at ang pinaka-latest nga sa ibinahagi ng aktres na larawan nilang mag-ina ay ang kinunan sa isang resort na mayroong magandang tanawin.

Credit: Jen Mercado | Instagram

“Communicating with nature with my Jazzy at the farmat sanbenito”, ang una ngang saad ni Jennylyn sa kanyang caption, at dito nga napag-alaman na ang mag-ina ay masayang nag-bonding sa magandang lugar sa San Benito.

Makikita nga na ang isa sa mga larawan na ibinahagi ng aktres, ay ang larawan ng anak niyang si Jazz kung saan ito ay naka-smile habang mala-fierce ang dating, at ito nga ay mayroong caption na,“Jazzy, serious yarn?”.

Credit: Jen Mercado | Instagram

Mababasa rin sa caption ng aktres ang naging pasasalamat niya sa Lyka Global, na madalas namang name-mention rin ng ilang mga celebrity.

“Conveniently book our stay using my lyka global gems “, ani Jennylyn.

Marami namang mga tagahanga at kaibigan ni Jennylyn sa industriya ng showbiz ang nagbigay komento sa mga larawan na kanyang ibinahagi kasama ang kanyang anak. Naging kapansin-pansin pa nga sa mga ito ang anak ng aktres na si Jazz, dahil sa kita na nga ang pagiging binatilyo nito, kung saan ay mas lalo pa nga itong naging pogi.

Narito naman ang ilan sa mga naging komento ng mga kapwa celebrity ni Jennylyn patungkol sa mas lalo ngang gumagwapong binatilyong anak na ng aktres.

Credit: Jen Mercado | Instagram

“Laki na ni Jazz[red heart emoji] gwapo-gwapo”, ang naging komento ni Chynna Ortaleza Cyprianno.
“Grabe may binata na kung inaanak… Pogi ni Jazzy Boy [red heart emoji]”, sey naman ni Yasmien Kurdi.

Heart emoji naman ang makikitang komento ni Nikka Garcia, ang misis ng ani Patrick Garcia na ama ni Jazz.

Si Alex Jazz ay anak ni Jennylyn Mercado sa dati niyang boyfriend na si Patruck Garcia, na ngayon nga ay may sarili na ring pamilya at kasal na kay Nikka Garcia. Matatandaan naman na sa isang panayam kay Jennylyn noon, ay sinabi niya na ang kanyang anak na si Jazz ang pinakalamalaki at magandang biyaya na dumating sa kanyang buhay.

Credit: Jen Mercado | Instagram

Nasa edad 12 na ngayon ang binatilyong anak ni Jennylyn na si Alex Jazz, at sa edad nga nito ay nakikita na ang kanyang angking kagwapuhan na paniguradong hahangaan ng marami kapag siya’y naging ganap na binata na.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *