Kilalanin Napakagandang Anak ni Jackie Forster

Ilan sa mga kilalang aktor ngayon ay nakilala dahil sa kanilang mga sikat na magulang. Namana rin ng mga personalidad na ito ang talento at ganda ng kanilang mga magulang kaya naman unit-unti silang naging matagumpay sa showbusiness. Hindi malayong maging isa sa mga personalidad na ito si Caleigh, ang unica hija ni Jackie Forster sa kaniyang asawa na si Michel Franken.

Credits: Jackie Forster |  IG

Bagamat nakilala si Jackie bilang dating asawa ng basketball player at aktor na si Benjie Paras at ina ng kanilang mga anak na sina Andre at Kobe, naunang siyang sumikat nang magsimula siya sa showbusiness noong 1992. Nagkaroon siya ng mga pelikula gaya ng First Time… Like a Virgin!, Tusong Twosome, Sanggano’t sanggago, at Geron Olivar. Sumali rin siya sa show na Survivor Philippines. Kinilala rin naman ang husay ni Jackie sa kaniyang mga pagganap.

Credits: Jackie Forster |  IG

Kaya naman, hindi na nakakagulat kung mamanahin ng mga anak ni Jackie ang kaniyang talento. Matatandaan nga na sumikat rin ang kaniyang mga anak na sina Andre at Kobe sa showbusiness. Ngayon, hindi malayong sumunod na rin sa yapak ng aktres ang kaniyang unica hija na si Caleigh.

Credits: Jackie Forster |  IG

Kapansin-pansin ang pagiging showbiz material ng sampung taong gulang na bata dahil sa kaniyang kagandahan, kabibohan, pagiging fashionista, pagiging photogenic at higit sa lahat, ang kaniyang talento sa pagkanta, pagsayaw, pag-arte, at paghohost.

Credits: Jackie Forster |  IG

Makikita rin sa social media ni Jackie ang mga litrato ng kaniyang anak na talaga namang kasingganda ng aktres. Halata rin sa ilan pang litrato ni Caleigh na kahit sa murang edad pa lamang nito ay may kumpiyansa na siya sa sarili kaya naman napakabibo niya.

Credits: Jackie Forster |  IG

Ilan pa sa mga post ni Jackie ay ang litrato ni Caleigh kung saan tinawag niya itong, kikay dahil sa pagiging fashionista at photogenic nito. Hindi na nakakagulat kung kalaunan ay maging modelo rin si Caleigh. Bukod pa rito, ibinahagi rin ni Jackie ang pagkanta, pagsayaw, pag-arte, at paghohost ni Caleigh.

Credits: Jackie Forster |  IG

Ngunit noon pa man ay hindi ganito kaaktibo si Caleigh. Nagkaroon siya ng juvenile myelomonocytic leukemia. Pero dahil sa katatagan ni Caleigh at pag-aalaga ng kaniyang pamilya ay nalagpasan nila ang karamdaman na ito. Ayon pa nga kay Jackie, nakatulong ang pagkanta ni Caleigh upang lumakas ang kaniyang mga baga. Tunay nga na walang makakahadlang sa talento ni Caleigh. Ngayon na siya’y malusog at aktibo, asahan natin ang pagsikat ni Caleigh sa hinaharap.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *