Kilalanin ang Super Cute na Anak nila Sophie Albert at Vin Abrenica Nagkaroon

Ang celebrity couple na si Vin Abrenica at Sophie Albert ay parehong kilala sa mundo ng showbiz. Halos sabay rin silang nagsimula sa showbiz, ng sila nga ay parehong maging kalahok noon ng isang talent search show sa TV5 na “Artista Academy” na umere nga sa telebisyon noong taong 2012.

Credit: Sophie Albert | instagram

Matapos nga ang naging pagsali ng dalawa sa nasabing talent show kung saan pareho silang nanalo, ay nagsimula na rin na parehong umarangkada ang kani-kanilang karera bilang mga artista.

Samantala, nag-umpisa naman ang magandang pagtitinginan sa pagitan nina Vin at Sophie noong taong 2013. Ngunit sa kabila ng kanilang masaya at magandang relasyon, matapos ang tatlong taon, ay parehong napagdesisyunan ng dalawa na itigil muna kung ano man ang namamagitan sa kanilng dalawa.

Credit: Sophie Albert | instagram

Sa naging panayan noon kay Vin, ay ibinahagi niya na pareho nilang desisyon ni Sophie ang naging paghihiwalay nila, at ito nga ay dahil mas pinili muna nilang mas bigyan ng pokus ang kani-kanilang personal na buhay, lalo na nga ang karera ng bawat isa.

Kahit naman ilang taon ding nagkahiwalay ng landas, ay hindi naman it naging dahilan para tuluyang mawala ang damdamin nina Vin at Sophie sa isa’t isa. Noon ngang taong 2020 ay masaya ng ibinalita ng dalawa na sila ay nagkabalikan na, at sa katunayan nga lumabas pa ang balita na engage na ang mga ito.

Credit: Vin Abrenica | instagram

Noon nga lamang buwan ng Pebrero taon ng kasalukuyan, ay isinapubliko naman ni Sophie na sila nga ng kasintahan niyang si Vin Abrenica ay magsasama na sa iisang bahay. Sa kaparehong buwan din, ay masaya niyang ibinalita na silang magkasintahan ay magkakaroon na ng anak, dahil sa ipinagbubuntis na niya ang magiging panganay nila.

Buwan ng Marso ng isinilang ni Sophie Albert ang panganay na anak nila Ni Vin Abrenica, at ito nga ay isang malusog na baby girl na pinangalanan nilang si Avianna Celeste.

Credit: Vin Abrenica | instagram

Kamakailan nga lamang ay tumuntong na sa kanyang ika-3 buwang gulang si baby Avianna, at sa araw na ito ay nagkaroon ng family pictorial sina Vin at Sophie kasama ang kanilang anak.

Makikita sa Official Instagram page ng Nice Print Photography ang pagbabahagi nito ng napakagandang family photo nina Vin at Sophie, pati na rin ang iba pang mga kyut na kyut na larawan ng anak ng mga ito na si baby Avianna.

“Sharing with you our shoot for this beautiful family! vinabrenica ,itsophiealbert and Avianna shot at the comfort of their home.”, ang naging caption ng Nice Print Photography sa mga larawan.

Credit: Vin Abrenica | instagram

Sa larawan nga ay makikita na masayang naka-pose sina Vin, Sophie at kanilang anak na si Avianna, kung saan sila ngang lahat ay nakasuot ng putting outfit. Kasama rin sa family photo na ito ang alagang aso nina Sophie at Vin na si Ginger.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *