Kapamilya Star Andrea Brillantes, Pinamangha ang Marami sa Imahe Niya Ngayon ng Pagiging Ganap na Dalaga

Maituturing si Andrea Brillantes bilang isa sa mga pinakamagaling na artista sa kasalukuyang henerasyon ng mga teen artists. Gaya ng ilang artista ay nagsimula si Andrea bilang isang child talent. Naging miyembro siya ng Goin’ Bulilit ngunit mas sumikat siya sa kaniyang teleseryeng, Annaliza kung saan siya ang gumanap bilang bida.

Credit: Andrea Brillantes | Instagram

Sa teleserye nga niyang ito ay ginawaran siya ng award sa 27th PMPC Star Awards for TV bilang Best Child Performer. Nagkaroon din siya ng ilang endorsements at iilang pagganap sa maliliit na teleserye.

Credit: Andrea Brillantes | Instagram

Kamakailan naman ay nabigyaan siya ng ‘big break.’ At ito nga ay n makilala siya bilang si Marga sa kaniyang mahusay na pagganap sa Kadenang Ginto kasama ang mga batikang artista gaya nina Beauty Gonzales at Dimples Romana.

Matapos ang matagumpay na proyektong ito ay sumunod agad ang kasalukuyang proyekto ni Andrea na Huwag Kang Mangamba kasama ang kaniyang love team partner na si Seth Fedelin.

Tunay nga kahanga-hanga ang talento ni Andrea sa larangan ng pag-arte.
Bukod sa kaniyang galing sa pag-arte, higit na hinahangaan si Andrea dahil sa kaniyang kagandahan. Dahil dito, dumarami na rin ang kaniyang mga endorsements. Naging cover na rin siya ng ilang magazines.

Credit: Andrea Brillantes | Instagram

Samantala, kamakailan lamang ay hinangaan siya ng mga netizens dahil sa kaniyang mga litrato sa Instagram. Makikita sa mga litratong ito ang pagbabago ni Andrea. Mula sa pagiging simpleng child star, ngayon ay higit na matured ang aktres. Dahil sa legal na edad na rin ang aktres matapos nga nitong tumuntong sa edad na 18 kamakailan lang.

Nito nga lamang nakaraan ay naging agaw pansin muli nag kagandahan ni Andrea ng ibida niya sa isang larawan niya ang kanyang angking kagandahan idagdag pa ang maganda ng hubog ng kanyang katawan na unti unti na ngang nagbabago dahil sa ganap na pagdadalaga niya.

Credit: Andrea Brillantes | Instagram

Makikita nga sa kaniyang mga social media account ang kaniyang pag babahagi ng nag gagandahang larawan niya kung saan siya ay naka suot ng swimsuits at ito nga ay ang pinakabago niyang post ay kinunan habang siya ay nasa bakasyon.

Mayroon na itong higit sa 400,000 na likes at 10,000 na komento na punong-puno ng puri mula sa mga kaibigan niya sa showbusiness at mga fans. Ang isa pa sa kaniyang nagviral na summer photo ay umani ng halos 600,000 likes at higit sa isang libong komento na pumupuri sa aktres.

Credit: Andrea Brillantes | Instagram

Bagamat ibang-iba ang imahe na ipinapakita ng aktres sa kaniyang mga litrato at mga teleserye, patunay lamang ito na kayang-kaya ng aktres anuman ang karakter na ibigay sa kaniya. Gaya ng kaniyang pangalan, hindi malayong magningning si Andrea gaya ng mga brilyante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *