Kapamilya Actress Kathryn Bernardo, May Naging Pa-Tour sa Kanyang Studio

Noon pa man ay pangarap na ng Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo ang magkaroon ng sarili niyang ‘studio’. At hind inga inaasahan ng aktres, na ilang buwan matapos niyang magdiwang ng kanyang kaarawan ay sosorpresahin siya ng kanyang ina ng ipagawa nito ang studio para sa kanya.

Credits: Kathryn Bernardo | YT

Ayon kay Kathryn, naging lihim sa kanya ang pagpapagawa ng kanyang ina ng nasabing studio, kaya naman talagang nasiyahan at nasopresa siya ng ipakita ito sa kanya ng tapos na at maayos na.
Matatandaan nga na noon pang ika-26 ng buwan ng Marso ng magdiwang ng kanyang ika-25 taong kaarawan si Kathryn, kaya naman hindi niya inasahan na nung buwan ng Hunyo ay isang bonggang regalo ang matatanggap niya na talagang naging isang malaking sorpresa para sa kanya.

Ang bonggang regalo nga na ito ay ang studio na ipinagawa ng kanyang ina para sa katuparan ng pangarap ng aktres na magkaroon ng sariling studio for rent.
At ngayon nga na ang studio ay halos 100% ng naayos ang kabuuan ay ipinasalip na ito ng Kapamilya actress sa publiko nito lamang nakaraan sa kanyang latest vlog sa YouTube channel niya na “Everyday Kath.”

Credits: Kathryn Bernardo | YT

Sa halos 19-minutong video ay ipinakita ng aktres ang iba’t ibang bahagi ng kanyang bagong ari-arian na ito.
Makikita sa naging video vlog na ito ni Kathryn ang naging pagpapasilip niya sa bahagi ng kanyang studio, kagaya na lamang ng gazebo, conference room at main studio nito. Naging kamangha-mangha nga ang bawat detalye at disenyo ng mga ito, dahil tila nga lahat ng kinakailangan sa isang studio ay naroon na.

Ipinakita rin ni Kath, na sa ikalawang palapag ng kanyang studio ay naroon naman ang make-up at wardrobe area, kung saan ay mayroon owan vanity set, resting couch, clothing rack, changing room at personal toilet and bath. Tila nga wala ng hahanapin pa sa studio na ito ng aktres, dahil para na rin itong bahay na maaring tirhan.
Ayon nga kay Kathryn, sa kabila ng pagiging simple ng kanyang studio, ay sinigurado naman niya na lahat ng mga kagamitan na inilagay niya rito ay magiging kapaki-pakinabang sa lahat.

Credits: Kathryn Bernardo | YT

“Yun lang. It’s very simple, but we really made sure na very useful ‘yung mga ilalagay ditong gamit and so far sa mga pasts shoots namin, it’s been really very convenient for me and for the team”, pahayag ng Kapamilya actress.

Dagdag pa niya, magmula ng matanggap niya ang regalo na ito ng kanyang ina, ay tila nga nagkaroon na siya ng pangalawang tahanan.

“This is like my second home simula ng ginift sa’kin ni Mama ‘tong studio na ‘to, so I’m really, really happy.”

Pagbabahagi pa ni Kath, hindi lamang nga sa kanyang trabaho may pakinabang ang naturang studio, dahil maging sa kanilang pamilya ay napapakinabangan din ito hamilbawa na lamang sa mga small family gathering na ipinagdiriwang nila dito.

Credits: Kathryn Bernardo | YT

“Itong studio na ‘to, it’s not just a studio for me. Parang eto na ‘yung nagiging tambayan place namin, and kunwari merong mga small family gatherings na very intimate, nagse-set-up din kami rito so very useful siya sa amin. So thank you talaga to my Mama for this idea”, ani pa ni Kath.

Bago natapos ang vlog ni Kath, ay sinabi niya na nagdesisyon siyang gawing studio up for rent until this year ang kanyang studio, para namang ma-experience rin ito ng ibang mga artista.

“Kung kailangan [niyo] ng studio, it’s open. Let me know if you want to use it!”, saad niya.

Sa ngayon nga ay tinawag muna ni Kath ang kanyang studio na TGIS studio, pero ayon sa aktres at plano niya pang palitan at mag-isip pa ng mas magandang pangalan para rito.

YouTube video player

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *