Kapamilya Actress Julia Montes Naging ‘Fitspiration’ Para sa Marami, Ibinahagi ang Kanyang Daily Routine Workout

Isa sa mga hinahangaang aktres ngayon ng publiko ay si Kapamilya actress Julia Montes, o sa tunay na buhay nga ay mas kilala ng kanyang pamilya bilang si Mara Hautea Schnittka.

Credit: Julia Montes | Instagram

Samantala, sa panahon ngayon ay batid natin na ang tamang pangangalaga ng katawan at kalusugan ay mahalaga sa bawat isa. Kaya naman nito lamang nakaraan ay ibinahagi ng aktres sa publiko ang ginagawa niyang daily routine workout para mapanatiling malakas, malusog at fit ang kanyang pangangatawan.

Makikita sa isang video na ibinahagi ni Julia sa kanyang Instagram account ang kanyang naging determinasyon sa pangangalaga ng kanyang katawan, lalo na nga ngayong panahon na napakahalaga na mapanatili nating malakas malusog ang ating katawan upang malabanan ang sakit na lumalaganap sa ating bansa.

Sa naturang video ay masisilayan nga na ang pag-eehersisyo ni Julia ay ginagawa niya sa loob ng tahanan.

Credit: Julia Montes | Instagram

Naging agaw-pansin rin sa marami ang mas magandang hubog ng pangangatawan ngayon ng aktres, na naging bunga rin ng kanyang naging puspusang pag-eehersisyo.

Ayon nga sa aktres, ang ginagawa niyang pag-eehersisyo ay hindi lamang para mapaganda ang hubog ng kanyang pangangatawan kundi upang mapabuti rin ang kalusugan niya, na tunay na mahalaga sa panahon ngayon.
Ibinahagi rin ni Julia, na sa panahon ngayon ay maituturing natin na isang regalo sa ating sarili at sa mga mahal natin sa buhay ang mapanatili nating mabuti ang ating kalusugan.

Credit: Julia Montes | Instagram

“Working out not just for my physique but for my Health in general. Sa panahon ngayon having good health is a great gift for yourself and specially for your loved ones”, ang naging caption ng aktres sa kanyang Instagram post.
Sinabi naman ni Julia sa isa sa kanyang mga komento, na ang naging inspirasyon niya sa pag-eehersisyo ay ang kanyang kapwa artista na si Aubrey Miles. Ikinatuwa naman ito ng aktres na si Aubrey Miles, at sumagot sa komento ni Julia na ipagpatuloy lamang nito at gawin ngang regular ang pag-eehersisyo.

“@montesjulia08 Keep it up! Please don’t stop promise you’ll love it. Make a commitment. Whatever happens, do it 2-3x a week. You’ll see result faster. This is awesome”, sagot ni Aubrey Miles kay Julia.

Marami namang mga netizens ang nagbigay komento sa post ni Julia, at para nga sa kanila ay isang ‘fitspiration’ ang aktres para sa marami. Lalo na’t makikita nga kung ano ang naging magandang epekto nito sa kalusugan at pangangatawan ni Julia, na mas lalo ngang gumanda at sumeksi pa ngayon.

Credit: Julia Montes | Instagram

“Good job bebe Julz heath is wealth.”

“So fit! Hope to see you soon have a YouTube channel soon.”

“Go Julz keep it fit and good health.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *