Julia Montes Pinaghahandaan na ang Pagsabak sa FPJ’s Ang Probinsyano, Nag-Ensayo na ng Pagmomotor Para sa Magiging Karakter Niya

Kamakailan lamang ng lumabas ang balita na ang aktres na si Julia Montes ay mapapabilang na rin sa mga aabangan nating karakter sa Kapamilya serye na FPJ’s Ang Probinsyano. At marami nga sa mga tagahanga ni Julia ang nasiyahan at hindi na makapag-antay na masilayan kung ano ang magiging karakter ng idolo nila sa nasabing programa.

Credits: Julia Montes | Instagram

Samantala, sa pagsalang nga ni Julia sa magiging karakter niya sa FPJ’s Ang Probinsyano ay may mga bagay siyang pinaghandaaan, at ito nga ay sinimulan na niya nito lamang nakaraan.

Bilang bahagi nga ng kanyang paghahanda para sa pagsabak ng kanyang karakter sa nasabing programa ng Kapamilya network, ay ipinasilip ni Julia ang isa sa kanyang ginawang training at ito ay ang pagsakay sa motorsiklo.

Credits: Julia Montes | Instagram

“RIDE ON! Watch this sneak peek ng motorcycle training ko for Ang Probinsyano! Madami nakakasabik na eksena ang dapat niyong abangan kaya samahan po niyo ako. Promise ko po sa inyo is to keep you updated. Wish me luck, guys! This is thrilling!”

Pinasalamatan din ng aktres ang mga taong nagtuturo at gumagabay sa kanya sa training niyang ito, una na nga sa lahat ay ang kanyang mga instructor.

“Maraming salamat po sa aking mga instructor Sir Carlos and Aries and Manager Jun Lomibao.”

Credits: Julia Montes | Instagram

Kalakip naman ng post na ito ni Julia ay ang video nga kung saan ay makikita ang kanyang puspusan na pagte-training sa pagsakay sa motorsiklo na kinakailangan nga niya para sa magiging karakter niya sa Ang Probinsyano.
Makikita naman comment section ng post na ito ng aktres, na nagbigay komento ang kaibigan niya sa showbiz na si Dimples Romana kung saan ay sinabi nito na proud siya para kay Julia.

“Queen!!! hi@montesjulia08 DAMN IM SO PROUD OF YOU!!!”, komento ni Dimples.

Maliban pa kay Dimples, ay marami pa ngang mga personalidad sa showbiz ang nagbigay rin ng kani-kanilang komento sa post na ito ni Julia, kagaya na lamang ina Agot Isidro, John Prats, Isabel Oli, Dianne Medina at marami pa ngang iba.

Credits: Julia Montes | Instagram

“Ang galing!!!! Nag riding din ako dyan pero di ako makapasa sa cones. Hahaha galing, Bebe! Excited to see you again onscreen! Woot woot”, ang naging say nga ng aktres na si Agot Isidro.
Samantala, noong nakaraan lamang din bago pa man sumabak sa motorcycle training si Julia, ay nauna na niyang ibinahagi ang kanyang training sa paghawak ng baril, kung saan ay may caption nga ito na;

“Never mess with the woman whose aim is better than her temper.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *