Jinkee Pacquiao, Ibinahagi ang Napakalawak Nilang Shrimp Farm sa Saranggani na Isa sa Mga Negosyo ng Kanilang Pamilya

Batid ng marami sa atin na kung gaano karangya ang buhay ng pamilya Pacquiao, at ito nga ay bunga ng naging pagsusumikap ni Sen. Manny Pacquiao sa buhay ng siya ay maging isang matagumpay na boksingero.

Credit: Jinkee Pacquiao |Instagram

Sa kabila naman ng karangayaan na tinatamasa ng kanilang pamilya, ay hindi naman nagbabago ang pakikitungo nila sa kanilang kapwa, dahil napaka-down to earth pa rin nila.

Samantala, dahil sa masagana ng pamumuhay ng pamilya Pacquiao ngayon ay hindi nga lamang mga naglalakihang mansion at magagarang mga sasakyan ang pagmamay-ari nila. Dahil maliban sa mga ito ay may mga negosyo na rin ang pamilya, at ito nga ay ang pinagkaka-abalahan ng misis ni Sen. Manny Pacquiao na si Jinkee.

Credit: Jinkee Pacquiao |Instagram

Kamakailan nga lamang sa kanyang vlog, ay ipinasilip ni Jinkee Pacquiao ang isa sa mga negosyo nila sa probinsya ng Sarnggani na kanyang pinagkakaabalahan, at ito nga ay ang pagmamay-ari nilang Shrimp Farm na talaga namang napakalawak.

Credit: Jinkee Pacquiao |Instagram

Alam natin na si Jinkee Pacquiao ay isa sa mga hinahangaang fasion icon ngayon, kaya naman sa kabila ng kanyang naging simpleng ayos habang ipinapasilip ang Shrimp Farm nila, ay hindi naman nawawala ang pagiging ‘class’ nito.

Tunay namang kamangha-mangha ang negosyo na ito ng pamilya Pacquiao. Ang kanila kasing shrimp farm ay high tech, dahil sa water system nito na nagbubuga at nagpapaikot ng tubig. Napakalawak rin ng farm, na ayon nga kay Jinkee ay isang man made water poll.

Maliban dito, ay ipinasilip rin ni Jinkee ang malawak na ‘sweet farm’ kung kanyang tawagin, kung saan nga ay makikita ang isang napakagnda at napakalawak ring swimming pool.

Credit: Jinkee Pacquiao |Instagram

Ayon kay Jinkee, sa farm nilang ito madalas niya nakakasama at nakaka-bonding ang kanyang pamilya.
Agad namang umani ng napakaraming mga komenti ang naging post na ito ni Jinkee Pacquiao, at marami nga sa mga ito ay nagsabi na sa dami ng negosyo at mga investments ng pamilya, ay hindi na maghihirap ang mga ito.

May iba pa ngang netizens ang nagsabi, na sa kikitain pa lamang ng shrimp farm, ay mabibili n ani Jinkee ang mga bagay na nais niya, kagaya na nga lamang ng mga kinagigiliwan nito ngayon na mga luxury brands.

Credit: Jinkee Pacquiao |Instagram

Masasabi naman natin sa post na ito ni Jinkee ang naging wais nilang pag-gamit ng kanilang yaman, dahil maliban nga sa mga mansion at sasakayan, ay nag-invest na rin sila sa mga negosyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *