Jeric Raval, Kung Maibabalik Lang ang Panahon Mas Pipiliin na Hindi na Nag-Anak ng Marami

Kamakailan lamang ay inihayag ng aktor na si Jeric Raval ang kanyang saloobin patungkol sa kanyang personal na buhay, at ito nga ay ang pagkakaroon niya ng maraming mga anak.
Hindi lingid sa marami sa atin na ang 45-taong gulang na aktor ay mayroong labinwalong anak sa iba’t ibang mga babae, na dahilan nga upang makatanggap siya ng pambabatikos.

Credit: Jeric Raval fp | Instagram

Sa kabila naman ng pagkakaroon niya ng anak na labinwalo, ay hindi naman nagsisi si Jeric na madami ang naging anak niya. Ngunit ayon sa aktor, kung maibabalik lang ang panahon ay hindi na niya uulitin pa ang naging kamalian niya sa buhay at ito nga ay ang pagkakaroon ng maraming mga anak sa iba’t ibang mga babae.

“Kung huhusgahan nila ako dahil sa nagkaroon ako ng anak na labinwalo, what more yung mga nagkaanak ng 88?”, ani Jeric Raval.
“Feeling ko nga, ako si james Bond that time. Yun ang hindi ko na daraanan ulit”, dagdag na pahayag pa niya.

Credit: Jeric Raval fp | Instagram

Ayon pa kay Jeric, may hindi siya milyonaryo o yung talagang mayaman, dahil nasa tama lang din naman ang antas ng kanyang pamumuhay. Kaya naman aminado siya, na tuwing may mga hinihinging bagay ang kanyang mga anak, at hindi niya ito maibigay ay talagang dinaramdam niya ito bilang isang magulang.

“May mga anak kasi ako na minsan, kapag may hinihingi na isang bagay at hindi ko naibigay, masyado ko dinaramdam”, ani pa ni Jeric.

Naibahagi pa nga ni Jeric, ang naging paghingi sa kanya noon ng kanyang isang anak na bilhan niya ito ng bagong sasakyan, ngunit hindi nga niya ito nagawang maibigay kaagad kaya naman nakaramdam siya ng kalungkutan.

Credit: Jeric Raval fp | Instagram

Para sa kaalaman ng marami, si Jeric Raval ay mayroong apat na anak kay Holiday, na siya ngang legal wife din ng aktor.
Samantala, ng tangunin naman si Jeric patungkol sa pangalan at edad ng kanyang mga anak, ay sinagor rin niya ito, at sinabi nga niya na ang panganay niyang anak sa legal wife niya ngayon ay 28-anyos na at edad 12 naman ang kanilang bunsong anak. Saad pa niya ang isa niyang anak ay nasa bansang New York, at nasa Japan naman ang isa.

Ang tatlong anak naman niya sa naging karelasyon niya noon na si Monica Hererra ay nanatili rin sa pangangalaga nito.

Credit: Jeric Raval fp | Instagram

Isa naman sa mga anak ni Jeric Raval ang ngayon ay gumawa na rin ng sarili niyang pangalan sa mundo ng showbiz, at ito nga ay si AJ Raval na siya ngang anak ng aktor na sumunod sa kanyang yapak bilang artista.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *