Jayda Avanzado, Pinatunayan ang Pagiging ‘Beauty & Brains’ Matapos Ibahagi ang Parangal na Natanggap Mula sa Kanyang Paaralan

Isa sa mga rising stars ngayon pagdating sa music industry ang unica hija ng mag-asawang Jessa Zaragosa at Dingdong Avanzado na si Jayda Avanzado.

Credit: Jessa Zaragoza | Instagram

Si Jayda Avanzado ay anak ng dalawang sikat na personalidad sa industriya ng musika ng Philippine showbiz industry na sina Jessa at Dingdong, ngunit sa kabila nga nito ay nagawa ng dalaga na makabuo ng kanyang sariling pangalan gamit ang talento na kanyang namana sa mga magulang.

Namana ni Jayda sa kanyang mga magulang ang talento at kahusayan ng mga ito bilang mga hinahangaang mang-aawit, ngunit maliban nga sa namana niyang magandang tinig sa mga magulang, ay makikita rin na nakuha niya sa mga ito ang pagkakaroon niya ng good looks, kaya naman ngayon ay isa siya sa mga magaganda at mahuhusay na dalagang singer sa industriya ng showbiz.

Kahit naman abala ngayon si Jayda sa pagtupad ng kanyang pangarap sa pagiging isang rising star sa music industry, ay sinisigurado naman ng dalaga na hindi niya napapabayaan ang pag-aaral, at ito pa rin ang una sa kanyang prayoridad.

Pinatunayan naman ni Jayd na hindi lang siya talentado bilang isang mang-aawit, dahil pagdating sa kanyang eskwelahan ay ipinapamalas rin niya ang pagiging mahusay niya sa mga asignatura. Sa katunayan, sa kanyang pagtatapos ng JR High School, ay nagtapos siyang may parangal kung saan isa nga siya sa mga honor student.

Credit: Jayda Avanzado | Instagram

Mas lalo pa ngang hinahangaan si Jayda ng kanyang mga tagahanga, dahil sa ipinamamalas niyang husay sa lahat ng mga nais niyang makamtan sa buhay. Pinatunayan din niya na maliban sa ganda at talento, ay matalino rin siya.

Nang tumuntong nga sa Senior High School si Jayda, ay patuloy pa rin ang pagbabalanse niya sa kanyang pag-aaral at karera. Sa magandang takbo ng kanyang karera, ay hindi pa rin ito naging hadlang para mapabayaan niya ang pag-aaral, kung saan ay nanatili nga ang kanyang pagiging honor student.

Credit: Jayda Avanzado | Instagram

Samantala, sa pagtatapos naman ni Jayda ng kanyang senior high school nito lamang nakaraan ay nakatanggap siya ng ‘certification’ mula sa kanyang paaralan, at naglalaman nga ito ng ulat na siya sa nakaraang school year kung saan ay Grade 11 siya ay siya ang ‘First Honor’ o nanguna sa kanilang klase.

Sa labis na kasiyahan ni Jayda, ay ibinahagi niya sa kanyang Instagram account ang achievement niyang ito, kung saan ay ipinakita niya pa ang certification na kanyang natanggap.

Credit: Jayda Avanzado | Instagram

“Currently finishing my senior year (4th year) of high school but I’m all smiles, as ya girl’s received her certificate for last school year “, ang naging pahayag ni Jayda sa kanyang IG post.

Bilang mga magulang naman ay proud na proud ang mag-asawang Dingdong at Jessa sa kanilang anak, dahil sa tinamo nitong parangal.

Credit: jayda.mazing| Instagram

“Congrats anak, we are so proud of you!!!!”, ang komento ng Mommy ni Jayda na si Jessa Zaragosa.
“Always remain humble and teachable anak. Never forget all those that helped you along the way. Needless to say, we are so proud of you”, ang naging saad naman ng Daddy ni Jayda na si Dingdong Avanzado.

Para naman sa mga netizens at mga tagahanga ni Jayda ay isa siyang inspirasyon para mga kabataan, dahil sa kabila nga ng pagtupad niya ng pangarap niyang mapa-usbong pa lalo ang kanyang karera, ay hindi naman niya pinabayaan ang kanyang pag-aaral.
Abala naman ngayon si Jayda sa pag-promote ng mga awitin niyang “Bahagi” at “Tunay” na pareho ngang mapapakinggan sa YouTube, Spotify, iTunes at Dezzer.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *