Jake Ejercito, Nag-Stay Muli sa Siargao Para Makasama at Maka-Bonding ang Anak Na si Ellie

Hindi lingid sa kaalaman ng marami na ang Star Magic talent na si Jake Ejercito ay ang ama ng panganay na anak ni Andi Eigenman na si Ellie. At sa kabila ng naging paghihiwalay nila ng dating karelasyon na si Andi, ay napagkasunduan nga nila na pagdating sa kanilang anak na si Ellie ay magiging maayos ang kanilang co-parenting para sa anak.

Credit: Jake Ejercito | Instagram

Samantala, sa ngayon nga ay mananatili muna sa Siargao si Ellie kasama ang kanyang inang si Andi Eigenman at ang bagong pamilya nito. Kaya naman, ngayon na tila wala pang masyadong pinagkakaabalahan si Jake, ay muli siyang bumisita at nag-stay sa Isla ng Siargao kasama si Ellie, ito ay upang suliting muli ang bonding moments nila ng anak.

Makikita sa Instagram account ni Jake ang naging pagbabahagi niya ng pagbabalik nila ni Ellie sa mala-paraisong ganda ng Isla ng Siargao.
Sa IG post nga niya ay makikita ang larawan kung saan ay tanging mga mata lamang nila ng anak ang makikita, at may caption ito na “and we back and we back.”

Credit: Jake Ejercito | Instagram

Ngunit bago pa man ang naging pagbabahagi na ito ni Jake ng larawan nila na nakarating na sila sa Isla, ay nauna muna itong nagbahagi ng larawan kung saan ay nasa bahay pa nila siya sa Maynila kung saan sila nag-stay ni Ellie.

Credit: Jake Ejercito | Instagram

Ayon sa ulat, nagbalik Siargao si Ellie upang dumalo sa pagdiriwang ng ika-2 taong kaarawan ng kanyang kapatid na si Lilo. Si Lilo ay ang panganay na anak ni Andi sa partner niya ngayon na si Philmar Alipayo.

Sa series of Instagram post naman ni Jake ay masisilaya na sa muli niyang pagbabakasyon sa Isla ay makikita na enjoy na enjoy siyang muli. Kita rin kung gaano sila ka-enjoy ng anak niyang si Ellie sa pagba-bonding nila habang nagtatampisaw sa dagat.

Credit: Jake Ejercito | Instagram

Kinagiliwan naman ng maraming netizens ang naging masayang bonding moments ng mag-ama. Ang ibang netizens naman ay nagbigay pa ng komento na ibang klaseng tatay si Jake, dahil sa talaga namang kakaiba ang closeness nila ng kanyang unica hija na si Ellie.

Credit: Jake Ejercito | Instagram

Matatandaan na minsan ng sinabi ni Jake sa panayam niya noon na gagawin niya ang lahat ng kanyang makakayanan upang maging mabuting ama sa kanyang anak na si Ellie, at ngayon nga ay talaga namang kita kay Jake ang pagpupursige niya na magampanan ng maayos ang pagiging isang ama sa anak niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *