Ivana Alawi, Ipinakita ang Natural na Ganda ng Matapang na Tanggalin ang Kanyang Make-Up sa Latest Vlog Niya

Sanay na sanay tayong makita ang mga sikat at hinahangaan nating artista na laging naka-ayos at nakapostura at ito nga ay dahil na rin sa uri ng trabaho nila na dapat ay laging presentable sila sa lahat.

Credits: Ivana Alawi | Youtube Channel

Samantala, may iilan namang artista na naging matapang na ipakita sa publiko ang kanilang hitsura kapag sila ay hindi naka-postura o nakaayos sa harap ng kamera. At isa na nga rito ay ang actress-vlogger na si Ivana Alawi, na nito lamang nakaraan ay ipinakita sa lahat ang kanyang natural na ganda kapag walang make-up.

Ipinasilip ni Ivana sa kanyang latest vlog na may titulong “A Day at Work” kung ano nga ba ang pinagkakaabalahan niya sa buong magdamag ng araw na iyon.

Credits: Ivana Alawi | Youtube Channel

Nang araw na ‘yon nga ay nagkaroon ng photoshoot sa isang brand na kanyang ineendorso si Ivana. Maging ang ilan sa behind the scene nga ng cameo niya sa music video ng Pinay TikToker na si Bella Poarch ay ipinakita rin niya.

Matapos nga niyang ibahagi sa mga tagasubaybay niya ang mga ginawa niya ng araw na ‘yon, ay matapang na inalis ni Ivana sa harap ng kamera ang kanyang make-up at mga ginamit na abubot sa kanyang hitsura kagaya na lamang ng kanyang hair extensions.

Isang puno ng inspirasyon na mensahe naman ang ibinahagi niya sa lahat, matapos niyang burahin ang kanyang make-up at ipakita nga sa kamera ang natural niyang hitsura.

Ayon kay Ivana, walang perpektong nilalang sa mundo, lahat tayo ay may ‘flaws’, lahat tayo ay may mga ‘insecurity’, ngunit upang maging masaya ang ating buhay ay kinakailangan nating mahalin ang ating sarili at tanggapin kung ano ang mayroon tayo.

Credits: Ivana Alawi | Youtube Channel

“Dapat mahalin natin ang sarili natin. Lahat ng flaws natin, walang perpekto. Lahat tayo ma insecurities, but imbrace it”, ani Ivana.

Nagdagdag pa nga pabirong mensahe si Ivana na, “Or I’ll embrace you. Charing!”

Umani naman agad ng papuri si Ivana mula sa mga netizens, dahil sa kinabiliban ng mga ito ang tapang na ipinamalas ng actress-vlogger sa pagpapakita ng kanyang natural na hitsura sa publiko, kung saan ay wala nga siyang anumang postura sa kanyang mukha.

Credits: Ivana Alawi | Youtube Channel

Kitang-kita naman ng tanggalin ni Ivana ang kanyang make-up ay taglay pa rin nito ang kagandahan na minahal at hinahangaan sa kanya ng publiko. At hindi nga lamang ang kagandahan ng mukha niya ang tunay na kahanga-hanga, kundi mas lalo ang kanyang mabuting kalooban.

YouTube video player

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *