Isinilang na ng Napakagandang Aktres na si Kristine Hermosa ang Ika-5 Anak Nila ng Asawa Niyang si Oyo Boy Sotto na si Baby Vittorio Isaac

Isa na namang munting anghel ang natanggap na biyaya ng mag-asawang Kristine Hermosa at Oyo Boy Sotto mula sa Panginoon, kung saan nito nga lamang nakaraan ay masayang iwinelcome ng mag-asawa sa kanilang buhay ang ika-5 nilang anak matapos nga itong ligtas na maisilang ni Kristine.

Sa Instagram ni Oyo, ay makikita ang naging masaya niyang pagbabahagi ng panibagong biyaya ng Panginoon sa kanilang pamilya, at ito nga ay ang ika-5 anak nila ng kanyang napakagandang asawa.

Credit: Oyo Sotto | Instagram

“Aug. 3, 2021 11:47 p.m Lord Jesus maraming salamat po! You are faithful! Thank you for answered prayer! Perfect timing ka talaga Lord, nakapagtrabaho pa ako kaninang umaga”, naging saad ni Oyo sa kanyang IG post.

Base sa naging saad ni Oyo, isinilang ng misis niyang si Kristine Hermosa ang kanilang ika-5 anak noong ganap na alas-onse kwarenta e’syete ng gabi nu’ng ika-3 ng Agosto. Labis ang pasasalamat ng aktor sa Panginoon dahil sa muli ay isang napakagandang biyaya ang ibinigay nito sa kanilang mag-asawa. Dagdag pa niya, ay naging ‘perfect timing’ ang pagsilang ni Kristine, sapagkat naroon siya mismo sa tabi nito at wala siya sa kanyang trabaho.

Ibinahagi na rin ni Oyo sa kanyang IG post ang ibinigay nilang pangalan ng asawa sa kanilang bunsong anak, at ito nga ay Vittorio Isaac. Mababasa rin ang kanyang naging mensahe ng pagmamahal para sa misis niyang si Kristine Hermosa, ganun din ang pasasalamat niya sa lahat ng mga taong nagdasal para sa ligtas na pagsilang nito.

Credit: Oyo Sotto | Instagram

“To my family and friends, thank you for all your prayers I love you Welcome to the world Vittorio Isaac I love you @khsotto”, ani ni Oyo.

Kalakip nga ng IG post na ito ni Oyo ang ay ang larawan kung saan ay makikitang masuyo niyang hinahagkan ang asawa niyang si Kristine sa noon nito, habang nasa tabi rin nila ang kanilang napakakyut na new born son.

Ang isa pa ngang larawan na ibinahagi ni Oyo ay ang solo photo ngi baby Vittorio Isaac, kung saan ay makikita nga ang mala-anghel na mukha ng bagong silang na sanggol.

Credit: Oyo Sotto | Instagram

Samantala, marami naman ang nakapansin at humanga na mga netizens sa bagong panganak na si Kristine Hermosa sa larawang ibinahagi ng kanyang asawang si Oyo dahil sa litaw na litaw pa rin nga ang kagandahan nito kahit kapapanganak lamang.
Narito ang mga naging komento ng mga netizens;

“napaka cute.. at sobrang preety ni mommy Kristine.. parang di bagong panganak sana all ganyan pa rin ka fresh pag nanganak…”
“swerte ni tin kay oyo sobrang maalaga”
“hands-on daddy talaga si oyo manang mana kay bossing.”
“Parang hindi nanganak parang hindi din nahirapan fresh na fresh pa din ganda mo talaga miss Kristine Hermosa Sotto.”
“Congrats,.. Si Tin nkita ko n super ganda kahit kapapanganak grabe saan ang hustisya.”

Maliban sa mga netizens, ay makikita rin sa IG post ni Oyo ang maraming pagbati ng ‘congratulations’ para sa kanilang mag-asawa na mula naman sa kani-kanilang mga kaibigan sa industriya ng showbiz at ganun rin sa mula sa kanilang mga kapamilya.

Credit: Oyo Sotto | Instagram

Ilan nga sa mga personalidad sa showbiz na bumati sa mag-asawa ay sina Ryan Agoncillo, Gian Sotto, Dianne Medina, Danica Sotto, Rodjun Cruz, Luigi Muhlach, Pauleen Luna at marami pa ngang iba.

Ang mag-asawang Kristine Hermosa at Oyo Boy Sotto ay ikinasal noong taong 2011. Ang bagong silang na si Vittorio Isaac ang nagsisilbi ng bunso at pang lima sa mga anak ng mag-asawa, kung saan ang kanila ngang apat pang mga anak ay sina Kristian Daniel, Ondrea Bliss, Marvic Valentin at kaleb Hanns.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *